ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Iyong-iyo ang araw na ito. Anuman ang naisin mo ay tiyak na aayunan ng kapalaran. Gayunman, mas magandang gustuhin mo na dumami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-21-24-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Biglang lalakas ang loob mo. Kapag naramdaman mong nangyayari, gawin mo na ang mga unang hakbang para sa iyong mga pangarap. Ang mga kilos mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-16-17-23-33.
GEMINI (May 21-June 20) – Nagbababala ang araw na ito na sobrang bibilis ang mga kilos mo. Kapag mabilis ang kilos, hindi na napapansin ang damdamin, kaya balewala na ang nararamdaman ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-18-20-21-24-26.
CANCER (June 21-July 22) – Muling mangyayari sa buhay mo na kung sino ang nagpapakita sa iyo ng kakaibang galit ay siya pa ang tunay na magmamahal sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-15-23-24-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) – Pabor sa iyo ang araw na ito. Para sa mga kontrabida, masikip ang mundo nila. Ngayon ay puwedeng maiwanan mo sila nang milya-milya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-23-25-32-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Mabilis na iinit ang ulo mo sa walang kuwentang bagay. Kaya lang, para sa iyo, iniisip at inaakala mo na may kuwenta ang mga ito, na sa totoo lang ay hindi naman dapat pansinin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-15-27-28-30-32-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Sarili mo ang iyong kalaban. Hindi ito madaling talunin tulad ng mga nakaaway mo. Pero sa simpleng pagbibigay ng saya sa iyong sarili, mawawala ang paglalaban n’yo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-15-18-29-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) – Patuloy na pinagaganda ng langit ang kapalaran mo. Hayaan mo lang ang mga nangyayari sa iyong harapan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay iyong matitikman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-16-26-28-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Makakadama ka ng lungkot ngayon, pero panandalian lang dahil matatabunan ito ng magagadang bagay mula sa isang bagong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-17-25-26-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Wala nang basehan ang iyong kaduwagan. Naaalala mo ba na minsan ay natakot ka, pero nang kumilos ka, ang mga ito ay nawala na parang bula? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-20-25-31-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Nakakatawa ang nangyayari sa iyo ngayon. Hindi ka mawawala sa isip ng tao na galit na galit sa iyo. Kung sino ang agrabiyado, siya ang galit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-22-28-30-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) – Nakakaapekto sa trabaho ang sobrang nagmamahal. Bawasan mo ang iyong nadarama dahil maganda ang may trabaho kaysa sa wala. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-25-27-30-39-41.