Online Horoscope Marso 19-2023

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Pumantay ka sa mga pangkaraniwan dahil kahit papaano, may makukuha kang magagandang ideya mula sa kanila na puwede mong mapakinabangan sa iyong negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-29-30-32-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) – Lalakas ang loob mo na tumutok sa pagpapayaman. Huwag mong hayaan na muling humina ang iyong tapang dahil ang tagumpay ay katumbas ng pinagsamang tapang at lakas ng loob. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-25-26-35-38.

GEMINI (May 21-June 20) – Kahit mag-isa ka, suwerte ka! Gayunman, bibigyan ka ng langit ng taong pinagpala na maghahatid ng suwerte sa iyo. Ingatan mong mahulog ang loob mo sa kanya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-24-28-30-33-37.

CANCER (June 21-July 22) – Madarama mo na nakakasawang tumulong sa kapwa. Kaya lang, ito talaga ang isa sa mahalagang papel mo sa mundo. Kahit ayaw mo, kailangang tumulong ka pa rin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-6-19-29-32-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) – Magpahiram ka ng lakas ng loob sa kilala mong mahina. Mahalaga para sa iyo na siya ay maging matapang dahil alam mong sa huli ay hindi na siya aasa sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-23-25-31-36-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) – Bilis ng isip ang nagdadala sa tao sa matulin na pagyaman. Ang mabagal magpasya ay maiiwanan ng kanyang mga karibal nang milya-milya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-22-24-28-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Gamitin mo ang kakaibang lakas ng iyong karisma na sa totoo lang ay para ring malakas na gayuma. Ang mga gusto mo ay tiyak na mapasasaiyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-23-29-37-41.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kung ano ka, yon ang dapat mong ipakita. Ganon din ang gagawin ng kapalaran, kung ano ang para sa iyo, iyon ang ipagkakaloob sa iyo.  Habang nagpapakatotoo ka, maraming suwerte at mga pagpapala ang ibibigay sa iyo ng langit.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.   

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21)  Sa araw na ito makakapulot  ka ng suwerte at magandang kapalaran. Pahalagahan mo ito at ingatan. Habang nagpapatuloy ang tag-araw at ang hindi maintindihang panahon, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang mahuhulog sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Hindi lang ang mga masisipag ang dinadatnan ng suwerte, kundi ganon din ang mga makukulit. Kulitin mo ng kulitin ang langit. Hindi ka nya kayang tanggihan. Ipagkakaloob niya sa ‘yo, kahit ano pa ang iyong hilingi dahil makulit ka kasi. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) May magbabalik. Tulad ng mga taong umalis ay muling darating.  Ngunit ang pinakamahalagang magbabalik, ay ang mga dati ng magagandang kapalaran na dapat sana ay noon pa napasaiyo.  Tanggapin mo silang muli ng may ngiti at pasasalamat sa iyong mga labi. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Nagpasya na ang langit. Ang mga mayayabang at hambog ay mapapahiya. Ang mga nagpapakumbaba ay itataas. Ngunit ang mga katulad mong mapagparaya at mapagbigay ang  dadatnan ng maraming suwerte at mga pagpapala.  Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here