Online Horoscope Hunyo 7 2018

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope  Hunyo 7 2018,  Huwebes –  Sa ayaw at sa gusto mo, dadalhin ka ng iyong kapalaran sa malayong lupain – mag-aabroad ka. Kailangang mangyari sa ‘yo ang itinakdang kapalaran ito upang mapabilis ang iyon pag-asenso. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  7, 10, 25, 31, 34, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kahit hindi mo galingan ayos lang, dahil ginalingan ng langit ang araw na ito para sa ‘yo. Kaya magagaling na mga pangyayari rin at malalaking suwerte ang darating sayo. Mapalad ang kulay na apple green. Masuwerteng numero 5, 10, 22, 37, 41, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Ngayon na ang araw na pinakamaganda dahil magpapasya na ang nasa itaas. Ang napagpasyahan, ibibigay na sa iyo ang lahat ng maluluho at matataas mong mga pangarap. Kaya ihanda ang iyong sarili, lalo na ang iyong kalusugan at wag masyadong maging excited.  Mapalad na kulay ang dark green. Masuwerteng numero  5, 18, 23, 28, 35, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Sa pakikipagdebate walang nanalo. Pareho lang kayong talo dahil pareho lang kayong hindi tatatanggap ng katwiran. Iwasan ito at sa halip, magpasensya ka at magparaya. Kapag ganyan ka, hindi masasayang ang iyong enerhiya at oras na magiging daan, upang lalo ka pang suwertehin at magtagumpay sa anumang iyong  ginagawa sa ngayon.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero   1,  9, 17, 23 32, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Namamangha at humahanga sa iyo ang nasa itaas, dahil ikaw na gipit ay nagagawa mo pang tumulong sa nangangailangan. Dahil dito, gagantimpalaan ka ng langit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa susunod na mga araw. Marami ang namamangha at humahanga. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 8, 14, 25, 35, 41, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na dapat mong harapin ang bagong kabanata ng iyong buhay. Hindi ka isinilang upang malungkot, upang maghirap at upang utusan. Ito ang araw ng ligaya, ito ang araw ng pag-unlad at malapit na malapit na ring dumating ang araw na ikaw na ang mag-uutos. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 9, 7, 11, 25, 36, 41.  

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Medyo bilog at medyo maliwanag pa rin ang buwan sa langit sa panahong ito, kaya malakas ang suwerte at gayuma mo. Mag-alok ka ng mag-alok at hindi ka magagawang tanggihan ng sinumang lalapitan mo. Kung sakaling tanggihan ka nila, mamalasin sila at ikaw naman ay patuloy na susuwertehin.  Mapalad na kulay ang black. Masuwerteng numero 2, 18, 25, 35, 43, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hindi ka dapat sumalungat sa takbo ng mga pangyayari sa araw na ito. Tularan mo ang alon, umayon ka lang ng umayon. Kapag ganyan ka, makikita mo, aayon din sa iyong kagustuhan ang suwerte at magangandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 8, 19, 25, 33, 37, 42.

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Palinaw na ng palinaw ang bolang kristal. Yong mga dating lungkot at kabiguan ay isa-isang lumilisan. Lumilisan ang mga negatibong puwersa, pumapalit naman ang mga positibong pangyayari na may kaugnayan sa pag-ibig at salapi. Ibig sabihin, susuwertehin ka na habang unti-unti ng pumapasok ang panahon ng tag-ulan. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  1, 18,  24, 27,  37, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa iyo ang araw na ito, kaya maniwala ka sa sarili mo at magagawa mo ang anumang gusto mo. Habang naniniwala ka sa sarili mo, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo.  Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 2, 12, 18, 32, 40, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Inaakala ng mga lihim mong kalaban na susuko ka na sa hamon ng buhay na iyong pinagdadaanan. Hindi nila alam na unti-unti ng lumilitaw ang iyong likas na tapang at lakas ng kalooban. Kapag tuluyan ng humulagpos ang iyong tapang at lakas ng loob, aangat ng paitaas ang gulong ng kapalaran. Mamamangha ang mga taong dati ng naiinggit sa iyo, ang taas-taas mo na habang sila ay lalo pang binababa ng kapalaran. Mapalad na kulay ang  gold. Masuwerteng numero 8, 10, 13, 28, 34, 40.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw na papalitan ng langit ang lahat ng luma. Kaya nga, unti-unti ng nagbabago ang lahat sa iyong kapalaran. Bago at paganda ng paganda ang susunod na pagsikat ng araw sa umaga, kaya ang panahong ito sa iyong buhay ay tatawaging, “pagbabago at pagpapaganda!” Kaya magpaganda ka na rin.  Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  7, 16, 27, 34, 40, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Matagal na nagtiis at naghirap ang iba pero hindi makamit ang kanilang inaasam. Hindi sila pinapaboran ng langit. Pero ang sa iyo ay kakaiba sa anumang pangyayari sa iyong buhay, lagi kang pinapaboran ng magandang kapalaran. Kaya naman silang lihim na naiingit sa yo ay mangha-mangha sa mga nangyayari.  Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 7, 15, 25, 27, 33, 42.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here