Online Horoscope Hunyo 15 2018

0
718
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope  Hunyo 15 2018, Biyernes – Bibihira na sa ngayon ang tulad mong likas ng maganda at may maganda pang kalooban. Ang ikinaganda pa nito, may maganda ka ring pinagkakakitaan. Dahil sa mga kagandahang tinuran, tuloy-tuloy at lalo pang gaganda ang iyong kapalaran. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero  2, 18, 20, 27, 34, 41.

 

ARIES  (Marso 21 – April 19) Malakas ka ngayon, walang kasing lakas kaya susuko ang iyong mga kaaway at ikaw ang mananaig.  At kahit malakas ka ring kumain, wag namang limitahin ang pagkain, dahil kasabay ng iyong pagtaba, tataba rin ang laman ng iyong bulsa. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  1, 15, 21, 23, 34, 41.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Sa pagbubukas pa lamang ng bukang liwayway habang nalalaglag ang hamog, ngumingiti ang mga bulaklak. Sa araw na ito ganoon din ang magaganap sa iyong karanasan,  sa unang oras pa lamang ng umaga, ngingiti na ang suwerte at magandang kapalaran.Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero   2, 16, 25,  33,  37, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Hindi umaalis ang puno sa kanyang kinalalagyan, kaya naman paglipas ng ilang taon ang dating maliit na puno ay nagiging higanteng puno na. Wag ka ring aalis at wag ka ring magsawa sa kasalukuyan mong ginagawa. Dyan ka dinala ng kapalaran, kaya pagbutihin mo pa, dahil sa badang huli, dyan ka rin liligaya at yayaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero 9, 13, 20, 32, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Unti-unting pumapasok ang panahon ng tag-ulan, at ang elemento mong taglay ay ang tubig. Humiling ka ngayon sa langit at anumang hilingin mo ay tiyak na pagbibigyan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3, 12, 23, 27, 30, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Marami ang sumusuko at nawawalan ng pag-asa, pero ang sa iyo ay kakaiba. Kailanman, hindi ka susuko at hindi ka mawawalan ng pag-asa. Magpatuloy ka lang, makaaahon ka rin sa mga problema, ilalawit ng langit ang kanyang mga kamay upang saklolohan at tulungan ka. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 28, 31, 40, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa painot-inot na patak ng ulan, natatapyas ang makapal na bato sa kabudukan. Ituloy mo lang ang kasalukuyang pagsisikap. Sa painot-inot na pag-iipon, basta’t wag kang titigil, makakamit mo rin ang maunlad at masaganang pamumuhay.Mapalad na kulay ang old rose.  Masuwerteng numero 1,  7, 17, 29, 37, 41.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hindi ka sasaya kung ikaw ay nag-iisa. Maghanap ka ng makakasama sa paggala at paglalakwatsa. Sa piling ng mga kaibigan, magkakaroon ka ng dagdag na sigla at saya. At kapag lagi kang masigla at masaya, ang suwerte at magandang kapalaran ay bubuhos sa iyo ng bonggang-bongga. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11,  26, 35, 43, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dahil sa paulit-ulit na dampi ng alon at hampas ng tubig, kumikinis at lumilinis ang magaspang at pangit na bato sa dalampasigan. Ganoon din ang gawin mo, maglinis ka ng iyong silid sa araw na ito. Kapag nagawa mo ‘yan, ang suwerte at magandang kapalaran na hatid ng tag-ulan ay mapapasaiyo. Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 8, 14, 20, 32, 35, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mabait ang kalikasan dahil pinatutubo niya ang magagandang mga bulaklak sa parang kahit walang nag-aalaga. Sa araw na ito muli na namang mananaig ang iyong ganda at kabaitan. Dahil sa iyong kakaibang bait at ganda, hindi ka mapahihindian ng sinumang tao na iyong lalapitan. Uuwi kang masaya at tagumpay dahil sa mga transaksyon na iyong mapapa-aprubahan.  Mapalad na kulay ang apple green. Masuwerteng numero  5, 14,  25, 34, 41, 44.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Sa pagtutulungan at pagsasama-sama nakagagawa ang mga anay ng malaking punso at nakakaipon ng maraming pagkain. Hindi mo dapat ipagdamot ang iyong kakayahan, alalayan mo ang mga mahihina at tulungan ang sa’yo ay humihingi ng tulong. Kapag nagawa mo ‘yan, mas mataas pa kaysa sa mga punso ang suwerte at magandang kapalarang ibibigay sa iyo ng langit.  Mapalad ang kulay na pink. Masuwerteng numero 7, 19, 22, 29, 31, 41.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Kung minsan madilim talaga ang langit dahil sa makapal na ulap. Pero matapos na hipan ng hangin ang makapal na ulap, muling liliwanag at aaliwalas ang langit. Sa araw na ito, ang mismong nasa itaas ang isa-isang mag-aalis sa’yong mga suliranin, upang palitan ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero  6, 18,  21, 29,  31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Matagal na ang batis sa kanyang kinalalagyan, nakapagtatakang sa bawat saglit at sandali laging bago ang agos ng tubig. Ganoon din ang iyong buhay, akala mo lang ay walang nagbabago, pero tulad ng batis, laging bago ang bawat araw at bawat sandali. Hindi mo lang napapansin kung ano-ano kasing negatibong bagay ang isinisilid mo sa iyong isipan kaya ayaw umagos ang masaganang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 6, 10, 22, 28, 31, 45.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here