Online Horoscope Hulyo 29, 2021

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON,  Hulyo 30, 2021, Biyernes  – Sa araw ng kaarawan mong ito hindi lang materyal na regalo ang ipagkakaloob sa iyo ng nasa itaas. Reregaluhan ka rin ng simpatsa at pagmamahal. Kaya sa mga sandaling ito, isa-isa ng mawawala ang iyong mga alalahanin at suliranin sa buhay, upang palitan ito ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 12, 24, 32, 38, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hinog na ang mga bunga ng punong kahoy sa hardin ng iyong kapalaran. Aanihin na lang ang mga ito upang iyong mapakinabangan at matikman. Ibahagi sa ilan ang iyong mga buenas at magandang kapalaran upang magtuloy-tuloy ang biyaya at mga pagpapalang nagmumula sa kalangitan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 3, 6,  15, 33, 39, 42. 

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)   Dahil mabait ka at hayag sa nasa itaas ang kabaitan mo sa araw na ito idiniklara ng langit na hindi ka mawawalan ng mga suwerte.  Ang mawawala sa iyo ay ang mga kamalasan. Suwerte na ring masasabi ang ganon pero ang mas magara pa nito, may mga kakaiba pang mga suwerteng hindi mo inaasahan ang darating pa sa iyo. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6, 9, 18, 27, 33, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21) Mataas ang iyong mga pangarap. At ang mabuting balita,  ipinapangako ng iyong kapalaran na mapapasa iyo ang mga ito. Ipanatag ang iyong kalooban at ‘wag mong intidihin ang mga naiinggit at mga nangiintriga sa iyo. Mamamangha sila, malapait ng dumating ang panahong malayong-malayo na ang mararating mo at malayong-malayo na rin agwat mo sa kanila. Mapalad na kulay ang burgundy. Masuwerteng numero  5, 8, 14, 25, 36, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ipakita mo ngayon na may paninindigan ka. Ituloy mo lang ang isang proyektong alam mo namang  tama at wag kang pumayag na hindi ang gusto mo ang manaiig. Gawin mo at lalo kang mamahalin ng iyong karelasyon dahil alam niyang mahina ang kanyang personalidad ngunit ikaw ay nagiging malakas na ang loob ngayon. Mapalad na kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 11, 20, 29, 32, 44.   

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22)  Hindi ka papabayaan ng iyong kapalaran. Ang totoo nga walang patid ang dating ng  mga  suwerte mo kahit  paminsan-minsan ay nagsisikuha ang mga taong nasa paligid mo na wala namang karapatang umarbor ng suwerteng sadyang nakalaaan lamang para sa iyo. Ngunit ang mahiwaga, kahit arburin pa nila ng arbuin ang iyong suwerte patuloy itong darating sa iyo at sa susunod na mga araw ay lalo pang darami  ng darami. Mapalad na kulay ang lilac Masuwerteng numero 1, 10, 19, 22, 28, 39.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Yumayaman ang nag-iisip na yumaman. Sumasarap ang buhay ng nag-iisip na sumarap ang kanyang buhay. Sa buhay ng tao , isip ang nagdidikta kung ano mangyayari sa iyo. Kaya sa araw na ito mag-isip ka at diktahan mo ang iyong unconscious mind na yayaman ka at puro yon na lang ang isipin mo, makikita mo yon nga ang kusang mangyayari at magkakatotoo. Mapalad na kulay ang silver. 5, 17, 19, 25, 36, 42.   

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Sa biglang tingin, masarap ang simpleng buhay lamang. Hindi gaanong mayaman at hindi rin gaanong mahirap. Ngunit wala sa dalawang ito ang magiging buhay mo, dahil itinakda ka para mamuhay ng alta-siyudad at yumaman. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero 3, 15, 18, 27, 33, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21)   Sa araw na ito hindi ka dapat makipag-away, Oo, kung ano ang ipukol sa iyo ng kapwa mo, tanggapin mo at hayaan mo. Isang araw magugulat ka dahil ang mismong langit ay hahagisan ka ng mas malalaking suwerte na ikamamamangha ng nasa paligid mo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero: 9, 17, 22, 34, 38, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Umagwat ka sa sobrang dikit ng dikit sa iyo.  Dahil hindi sinasadya na pwedeng malipat  sa dikit ng dikit sa iyo ang ilang mga suwerte  mo. Marami ka pang darating na suwerte na hindi dapat malipat sa iba, lalo sa mga taong lihim at lantarang kumokontra sa iyo. Mapalad ang kulay na orange. Masuwerteng numero 3, 18, 21, 24, 33, 45.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Marami ang hahanga sa kasipagan mo. Ang isa sa kanila ay maghahangad na ikaw ay makasama. Hindi siya ganon kasipag, pero mapagtiis. Hihintayin ka niya hanggang sa pumayag ka. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 4, 11, 13, 17, 26, 43.  

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kahit gaano pa kakapal ang ulap, hindi ito mananatili sa kalawakan.  Tatangayin siya ng hangin upang ang langit ay umaliwalas. Ganon din ang mangyayari sa iyo, kahit gaano pa ang kalungkutan at problemang dumarating, ang lahat ng ito ay panandalian lamang, upang sa susunod na mga araw ay palitan ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 4, 13, 17, 28, 32, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ang lahat ng bagay ay nagbabago. Ang hindi lang nagbabago ay ang pagbabago. Magbabago ang career mo at kalagayan sa buhay, nasa sa iyo na ngayon ang pagpapasya. Kung tatanggapin mo ba ang pagbabagong ito o mananatili ka sa luma at dati mo ng buhay? Mapalad ang kulay na green. Masuwerteng numero  2, 7, 14, 16, 20, 29.    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here