Online Horoscope Hulyo 21 2018

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope Hunyo 21 2018,  SabadoDeterminasyon ang kailangan mo ngayon, dahil kung ano ang binabalak mo, yon ang dapat mong gawin. Hindi dapat magpabago-bago ang iyong isip. Kapag determinado ka sa iyong gagawin at pagpapasya,  ang suwerte at magandang kapalaran ay agad mong makukuha.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 3, 18, 21, 27, 39, 44.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Darating na ang iyong hinihintay. Kakatok na sa inyong tahanan ang suwerte at magandang kapalaran. May kondisyon lamang, upang siya ay tuluyan ng pumasok sa iyong buhay, buksan mo ang pinto ng pagpapatawad sa mga taong sa’yo ay may pagkukulang. Kapag ganyan ka, tuloy-tuloy ng mapapasa iyo ang mga biyaya at pagpapala ng langit.  Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 7, 13, 31, 35, 40, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Kulang sa dilig ang iyong buhay. Bukod sa pag-aasikaso sa materyal na pangangailangan ng  iyong pamilya, kailangang asikasuhin mo rin ang iyong minamahal at vice-versa, kailangang asikasuhin ka rin niya. Kapag ganyan kayo, nagmamahalan at nagaasikasuyan ang buong mag-anak, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang patuloy na darating sa inyong pamilya. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 4, 16, 25, 37, 41, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Kulang sa diin ang mga pagkilos mo. Malambot at mahina ang iyong damdamin. Ipakita mo na kung ano ang iyong ginusto ay yon dapat ang mangyari. Kapag nangyari ang mga gusto mo, lalo kang papaboran ng langit. Mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang mapapasa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 22, 29,  35, 39, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Tatamaan ka ngayon ng isang hindi pangkaraniwang ulan. Ang pangalan ng ulan na ito ay “ang patak ng suwerte.” Kaya anuman ang gawin mo, susuwertehin ka.  Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  6, 12, 24, 36, 34, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Pera at mga materyal na bagay ang nagbibigay ng ligaya sa tao kaya sa nalalapit na kaarawan mo, ang mga ito ng matatanggap mo na regalo mula sa mga taong nagmamahal sa iyo. Bukod sa materyal na bagay, marami pang sopresang regalo ang matatanggap mo mula sa langit na magbibigay sa iyo ng kakaibang suwerte at buenas sa susunod na mga araw. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  2, 18, 27, 31, 34, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Sa pagpapaunlad ng kabuhayan, hindi ka na kailangan pang humingi ng payo sa ibang tao dahil ang mga ideyang papasok mismo sa iyong ulo ay mas maganda kaysa sa mga makukuha mo sa iyong mga hihingan ng payo. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 1, 13,  28, 31, 38, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hindi lahat ng materyal na bagay ay ikinatutuwa ng mga tao. Isipin mong ibigay ang higit pa sa materyal na bagay sa mga mahal mo sa buhay. Sa ganyang paraan, mas mamahalin ka nila at habang minahamal ka ng mga kapamilya mo, mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang aanihin mo. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  3, 12, 27, 33, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Tama ang ugali mong laging mapagbigay, dahil ang hindi alam ng mga binibigyan mo, bawat regalong magmumula sa’yo ay may kalakip na suwerte at pagmamahal. Mapalad ang iyong mareregaluhan dahil puwede nilang magamit ang mga ireregalo mo bilang lucky charm. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 32, 37, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Napakabilis ng mga kaganapan sa iyong buhay. Lalo na ang pagdating ng salapi, pero may babala na mabilis ding mauubos. Hindi ka dapat mag-alala, maubos mo man ang salaping hawak dahil sa walang kabuluhang pagasta,  umasa kang papalitan yan ng langit ng doble-doble at higit pa. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 5, 18, 24, 29, 35, 42.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Tapang at lakas ng loob ang magpapaunlad at magpapaligaya sa iyo. Ipatupad mo na ito ngayon. Kapag nagawa mo yan, ang suwerte at magandang kapalaran ay lagi ng mananahan sa iyong pagkatao. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 2, 20,  25, 29, 31, 40.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaiba ang kapangyarihan mo ngayon. Dahil ang sinumang makakalaban mo ay makararanas ng pangit na kapalaran. Habang kung sinoman ang makakampi mo at makakausap ay pagkakalooban ng dagdag pang suwerte at magandang kapalaran sa kanyang buhay. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  5, 14, 19, 32, 35, 41.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Sumisikat ang araw upang tanglawan ang daigdig. At sa pagtanglaw ng liwanag kasabay nito ang mga biyaya at pagpapala ng langit. Sisikat din ang araw mo ngayon. Ang hinihingi lamang  maglalabas ka ng bahay, upang masagap mo ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1,  19,  25, 34, 38, 43.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

SHARE
Previous articleTiktik
Next articleKapangyarihan: Magic Levitation
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here