Online Horoscope Hulyo 20 2018

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

 

Ito ang ating Online Horoscope Hulyo 20 2018,  Biyernes – Ipapakita sa iyo ng langit ang kanyang kadakilaan, dahil higit kaninuman ikaw ang makatatangap ng malalaki at maraming magagandang kapalaran ngayong sumapit na ang iyong kaarawan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 20, 29,  36, 39, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Buo ang iyong determinasyon kaya wala kang mga suliranin na hindi kayang malutas. Buo rin ang iyong loob kaya alam na ng mga karibal mo na malabo silang manalo laban sa’yo. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 4, 17, 29, 37, 41, 43.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Ilagay mo ang lahat sa tamang oras. Dahil ang mga suwerte mo ay darapo sa’yo sa mga oras na payapa at panatag ang ‘yong isip at kalooban. Mapalad ang kulay apple green. Masuwerteng numero  9, 19, 27, 31, 39, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Malaki ang maitutulong ng iyong gagawing payo sa isang kaibigan. Mahusay ka kasing magpayo. At habang patuloy mo ito na ginagawa walang hinihintay na kapalit, ang talento mong ito ay lagi ng gagantimpalaan ng langit ng suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 1, 16,  28, 31, 38, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag panghinayangan ang mga nawala sa’yo. Tiyak din namang higit pa sa mga ito ang ibabalik sa iyo ng langit. Mas maganda na huwag kang magagalit at huwag ka ring maghinanakit. Kapag ganyan ka, tanggap lang ng tanggap sa lahat ng sitwasyon at pangyayaring dumarating, walang duda, tuloy-tuloy ding susuwertehin at pagpapalain ang iyong kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 13, 25, 36, 34, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang tamang araw upang simulan ang matagal mo nang iniisip na makapag-ipon para sa iyong kinabukasan. Ang pahabol na payo ay huwag kang bibili ng walang kabuluhan at walang kuwentang mga bagay. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 7, 13, 33, 35, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nakatutuwa ang mangyayari sa iyo ngayon dahil ang inaayawan mo ay siya pang mapapasaiyo. At ang ginusto mo ay iba ang makakakuha pero sa dakong huli ang saya at ligaya ay mananatili pa rin sa buo mong pagkatao. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 16,  25, 28, 31, 40.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Kinakapos ka ng sigasig. Inaakala mong puwede ng mamahinga sa pagpaparami ng kabuhayan. Hindi dapat huminto kahit sandali lang dahil sa iyong pagsisipag at pagsisikap, marami pang suwerte ang naghihintay. Sumige ka lang ng sumige hanggang sa yumaman.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 4, 7, 16, 29, 35, 40.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag kang padala sa sitwasyon. Tandaan mo ang mga masasayang kaganapan ay lumilipas din pero ang obligasyon para sa pamilya ay pang habang buhay. Kaya ito ang araw na muli, dapat mong I-priority ang pamilya kaysa sa iba pang mga bagay, upang tuloy-tuloy na dumating ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 2, 19, 21, 27, 31, 44.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ibibilang ang iyong pangalan sa mga makatatanggap ng malalaking mga biyaya at pagpapala. Huwag mainggit sa mga inaakala mong nakatanggap ng mas higit sa biyayang tinanggap mo, dahil sa susunod na mga araw, mas malalaking suwerte at magagandang kapalaran pa ang mula sa langit ay  ilalaglag sa iyo ng tadhana. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  17,  25, 33, 38, 43.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Mabait sa iyo ang langit. Kahit gaano kabigat ang iyong mga problema laging inaalalayan ka. Oo mabait sa iyo ang langit kaya tiyak na yayaman ka at lahat ng mga pangarap mo sa buhay ay kusang matutupad sa takdang panahong inilaan ng kapalaran. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 9, 19, 32, 35, 42.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Babalikan ka ng iyong mga suwerteng pinalagpas mo dahil naging abala ka kung saan-saang mga bagay. Ngayon na payapa na ang isip mo, hindi ka na iiwan ng mga buenas na talagang namang matagal ng nakalaan sa iyo.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 15, 24, 34, 37, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi ka dapat matangay sa mga negatibong pangyayari sa iyong kapaligiran, ahil kapag nagkagayun, malaki at marami ang mababawas sa kabang yaman mo. Mas mainam pa rin kumilos ka ng malaya at ngayon sa mga layunin at sa mga bagay na gusto mong matupad. Sa ganyang diskarte, mas maraming suwerte at mga pagpapala ang sunod-sunod na darating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 14, 28, 31, 34, 40.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

 

SHARE
Previous articlePamahiin Trese: Malas ka nga ba?
Next articleAng Telekinesis Tunghayan mo ang Kapangyarihan
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here