Online Horoscope Hulyo 15 2018

0
799
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope Hunyo 15, 2018,  LinggoTulad ng maningning na kalangitan sa panahong sikat na sikat ang araw, magkikislapan ang mga suwerte mo, sobrang marami at sobrang sasaya ka. Ingatan mo at pahalagahan ang mga biyaya at mga pagpapala na para sa iyo lang talaga. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  5, 18, 25, 33, 39, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na mayayakap mo ang suwerte mo sa buhay. Madarama mo na siya ang tunay mong ligaya. Siya naman ay ganoon din. Ang kanyang ligaya ay walang iba kundi ikaw lang. Kaya umasa kang tuloy-tuloy na darating sa iyong buhay ang marami pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 18, 29, 32, 34, 44.    

TAURUS (April 20 – Mayo 20) ‘Wag mong biguin ang mga umasa sa iyo na sila ay magkakaroon ng maunlad at masayang buhay. Hindi masasayang ang iyong pagsasakripisyo, dahil ang itutulong mo sa kanila ay gagantihan ng langit ng higit at doble-doble pa sa mga ipamimigay mo.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 2, 14, 23, 28, 39, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Gusto mo bang yumaman? Ingatan mo ang bawat pera na iyong matatanggap. Hayaan mong itong dumami ng dumami. Ganyan ang pormula upang lumago ang kabuhayan. Ang salapi ay aakit ng kapwa salapi. Pero ang pagiging gastador ay aakit ng bulagsak na kabuhayan. Simula ngayon dapat na maging maingat at maging tuso ka sa paggasta. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 3, 6, 27, 28, 35, 41.

 CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang araw na kapag nagpunta ka kung saan mang lugar, isang ngiti ang hindi sinasadyang kakawala sa iyong mga labi. Ito ang aakit ng suwerte at magagandang kapalaran na ikamamangha mo ang magiging resulta. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 3, 16, 29, 34, 39, 40.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sa nalalapit mong kaarawan, makakatangap ka ng gift na may “Word of God”. Ito ang magsisilbing pampasuwerte mo hindi lang sa iyong love life, kundi ito rin ang magsisilbing iyong lucky charm sa buong buhay mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  6,  12,  22, 31, 38, 44.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nag-aabang sa iyo ang mga mapagsamantala sa iyong kabutihang loob. Kaya ang payo, kilalanin mong mabuti ang bawat taong hihingi sayo ng pabor, dahil ang mga tapat at nangangailangan lang talaga ang dapat na tulungan mo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 13, 27,  33, 39, 42.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Mula ngayon sinupin mo ang mga kabuhayang ibinigay sa iyo ng kapalaran. Ingatan mo at iyong pangalagaan. Walang pagdududang ikaw ay yayaman. Alam mo na ngayon ang gagawin mo upang yumaman? Magsimula ka na ngayon! Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  9, 12,  24, 33, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Ito ang araw na magdaratingan sa buhay mo ang magagandang pagkakataon na magiging susi upang matupad mo ang iyong malalaking pangarap. Huwag na huwag kang mag-aalinlangan, upang ang lahat ng ito ay tuloy-tuloy ng matupad! Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 9,  24, 27, 33, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Nagpasya na ang langit at ang naging pasya, bibigyan ka ng mga biyaya at regalo na ngayon mo lang matatanggap sa buong buhay mo. Pero may kundisyon, ipamamahagi mo sa mga mahihirap ang kalahati nito upang ang mga suwerte at magagandang kapalaran ay tuloy-tuloy na mapasa iyo. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  2, 8, 21, 29, 39, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Ito ang araw upang iplano ang landasin ng buhay. Mamahinga ka muna, magpunta sa isang religious at solemn na lugar, doon ka magnilaynilay at humingi ng guidance. Makikita mo, sa ganyang paraan, gagaan ang iyong pakiramdam, matatagpuan mo ang lahat ng epektibong solusyon sa iyong mga problema. Mapalad ang kulay na gray. Masuwerte mong numero ang 7, 14, 25, 34, 38 at 44.    

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Dapat maikli lang ang pagsasalita mo at hanggat maaari ay makaalis ka agad sa harap ng mga bago mong kakilala, dahil gagana ngayon ang iyong malakas na karisma, baka ka magka-problema, maakit mo ang mga bagay at ang mga tao na hindi mo naman dapat na maakit. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 5, 18,  23, 35, 39, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na makaaasa ka kung kailan magsisimulang umunlad ang iyong kabuhayan. At ito rin ang araw na ang kailangang makasanayan mo ay ang pagpapahalaga sa mga biyayang napupunta sa iyo.  Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 8, 16, 28, 34, 37, 43.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here