Online Horoscope Hulyo 11 2018

0
621
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang Online Horoscope Hulyo 11 2018, MiyerkulesHindi pupuwedeng habang buhay kang nasa sariling bayan na iyong sinilangan. Kaya sundin mo ang utos ng iyong kapalaran, na ikaw ay mangibang bansa. Hinihintay ka nang magandang kapalaran sa malayong lugar. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  2, 17, 28, 31, 37, 40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Susubukan ka ngayon ng iyong kapalaran kung gaano ka katatag at kung gaano katibay ang iyong pagkatao. Kaya ang payo, sa anumang aspeto ng buhay ay wag kang magbabago o magpapalit ng pasya.  Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 8, 10, 23, 25, 39, 44.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Iyo ang araw na ito. Humingi ka ng para sa iyo at para sa mga mahal mo. Makaaasa ka na ikaw ay pakikinggan ng langit at sa malapit na hinaharap, tutuparin ang iyong kahilingan. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 5, 12,  24, 36, 38, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Mula sa malayo, darating sa iyong harapan ang taong tatawagin mong kaloob sa’yo ng kapalaran. Siya ang tutulong sa’yo at magpapabago sa malungkot mong buhay. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 6, 11, 27, 33, 36, 41.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Pag-ibig ang kailangan ng mundo kaya magmahal ka ngayon. Ang una mong mahalin bukod sa iyong pamilya ay ang mga kapus-palad at labis na ngangailangan. Regaluhan mo sila kahit walang okasyon. Kapag nagawa mo iyan, dobleng regalo ang ibabalik sa iyo ng langit. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  5, 13, 26, 28, 31, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mas masayang kasama ngayon ang kaibigan kaysa sa mahal mo sa buhay na hindi ka naman nauunawaan. Ituloy ang binabalak mong pamamasyal at pagsa-shopping na kasama ang iyong mga kaibigan, sapagkat sa gawaing ganyan ka sisigla at magiging maligaya.Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 8, 16,  27, 35, 38, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Nagbabalita ang araw na ito na kapag hindi mo pinairal ang ugali mong mahilig maghanap ng kapintasan ng isang tao, darating sa iyong buhay ang napakaraming suwerte at magandang kapalarang hindi mo inaasahang mapapasaiyo. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 4, 22, 32, 40, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Hawakan mong mahigpit ang mga tinamo mong magagandang kapalaran, dahil anumang sandali ay maaaring kumawala ito. Sa pag-iingat ng magagandang kapalarang iyong tinamo, dapat ding pagyamanin mo ito ng husto at kapag dumami na, ipamahagi mo ito sa iba lalo na sa mga mahihirap at sa mga kapus-palad. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 14, 25, 31, 34, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nagbabalita ang araw na ito na ikaw ay kikita sa pagbebenta. Ibig sabihin, magagandang salita lang ang puhunan ay aangat na agad ang iyong kabuhayan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  14,  21, 38, 40, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kaya lang naman matamis ang tagumpay kapag ito ay pinaghirapan. Pero ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi mo paghirapan ang tagumpay, matamis ang magiging lasa nito, dahil noon pa man isinulat na sa aklat ng kapalaran ang iyong pangalan sa mga matatagumpay na nilalang. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  3, 9, 14,  33,  38, 41.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Nagkukubli sa maliit ng problema ang malaking tagumpay. Kaya anuman ang pinuproblema mo sa ngayon, umasa kang ang kasunod nito sa araw ng bukas ay malaking suwerte at maningning na kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 16, 20, 25, 34, 41.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Mapapansin mong unti-unting sumasaya at sumisigla ang iyong kapaligiran. Ito ay tanda na sisigla na rin ang iyong kapalaran, hanggang sa tuloy-tuloy mo ng makamit ang suwerte at magandang kapalarang matagal mo ng hinihintay. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 2, 9, 28,  34, 38, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ikaw mismo ang makakapansin na ang bawat iyong ginagawa ay hindi agad natatapos. ‘Wag malungkot, dahil kahit hindi mo agad natatapos ang mga gawain mo, may tatapos nito para sa iyo – ang langit. Dahil tatapusin ito ng langit, mas malaking suwerte at magagandang kapalaran ang mapapakinabangan mo. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  4, 9,  21, 34, 39, 44.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here