Online Horoscope Hulyo 10

0
504
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

PARA SA MAY KAARAWAN NGAYON, Hulyo 10, 2019, Miyerkoles –  Mula sa unang araw ng iyong pagsilang,  ikaw ay masuwerte na. Mananatili sa iyo ang nasabing suwerte at magandang kapalaran, dahil ang tunay na misyon mo ay ang pagkalooban din ng suwerte at tulong ang mga nangangailangan. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 1, 7, 13, 28, 34,  40.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Hawak mo na ngayon ang pormula upang tuloy-tuloy na gumanda ang kapalaran lalo na sa aspetong pang-materyal. Ngunit baka masayang lang ang suwerte at magagandang kapalaran kung hindi mo ito itatago para sa iyong pagtanda.  Ipriority ngayon ang pagse-savings at ang retirement age.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 5, 14, 23, 35, 41, 44.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ituloy mo ang pagsasaya. Hindi puwedeng naglulungkot-lungkutan ka lang. Mas maganda na kahit na malungkot ka magkunwari kang masaya. Ang pagsasaya kahit na kunwari lang ay makatutulong upang muling bumalik sa buhay mo ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 1, 17, 19, 28, 37, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi lahat ng bago ay maganda. Katulad ng pabago-bago mong pag-iisip. Ituon sa iisang gawain at iisang layunin lamang ang iyong isipan, upang mas madali mong makamit ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet Masuwerteng numero 5, 9, 23, 29, 31, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Lahat ng naluma ay hindi na maganda. Ipamigay mo na ito o itapon. Maghanap ka ng mga bagong bagay. Ang mga bagong gamit na magaganda na mapapasa iyo ay magdadala ng panibagong suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  3, 12, 27, 34, 42, 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Sobrang lalim ng iyong pagkatao. Malalim pa sa hating gabi. Sa iyong pagbubulaybulay  dapat mong matuklasan may isang pinakamahalagang bagay sa mundo. Ang pag-ibig at pagtulong sa kapwa. Gawin mo na ngayon at gagantimpalaan ka ng suwerte at magagandang kapalaran ng langit.  Mapalad na kulay ang white. Masuwerteng numero 2, 11, 29, 33, 35, 40.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) May mga bituin kapag sumasapit ang gabi upang liwanagan ang daigdig. Ganon din ang kapalaran mo. Saan ka man mapadpad, anumang hirap ang napagdaanan mo, hindi magdidilim ang iyong buhay. Ang mga nagliliwanag na bituin sa langit ang lagi ng tatanglaw at magbibigay sa iyo ng suwerte at mas marami pang magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 4, 11, 19, 28, 35, 40.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Ito ang tamang araw upang magdagdag ng dekorasyon at pampasuwerte sa inyong bahay o sa iyong silid na sumisimbolo ng bagong simula at kasaganaan. Maglagay ng sariwang halaman na may bilog-bilog na dahon upang maakit ang suwerte na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Mapalad na kulay ang pink. Masuwerteng numero  6, 18, 24, 33, 39, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mas maraming pamamasyal ang magaganap sa susunod na taon. Dahil mas marami ring mga suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo sa susunod na taong 2020. Kaya sa ngayon, wala kang dapat gawin kundi, pakanta-kanta lang,  pangiti-ngiti at mag-relaks-relaks at hintayin mo ang susunod na taong 2020.  Mapalad ang kulay na black.  Masuwerteng numero 2, 10, 19, 34, 41, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ngayon ang araw upang lasahan mo ang tagumpay na iyong nakamit. Ipatikim mo rin ito sa iba, lalo na sa mga kapos-palad. Matutuwa sa iyo ang nasa itaas, mas marami pang masasarap na tagumpay at suwerte ang patuloy na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang silver. Masuwerteng numero 7, 11, 25, 28, 34, 41.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Sabi ng iba ang pag-ibig ay maraming misteryo at mahiwaga. Ngunit sa iyo ay kakaiba, ang pag-ibig ay seryoso at pang-habang buhay ng mananatiling maligaya. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 9, 12, 18, 27, 30, 42.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Ito ang araw upang supilin mo ang iyong damdamin. Kapag nakararamdam ka ng lungkot at panghihina ng loob, sa harap ng  salamin palakasin ang iyong will power, bigkasing malakas:  “Ako ang panginoon ng aking kalooban. Uutusan ko ang aking sarili at ito ay aking susundin. Hindi ako mabibigo. Ako’y magwawagi. Sapagkat ang langit, pinapatnubayan akong lagi, Amen.”  Mapalad na kulay ang  maroon. Masuwerteng numero 7, 10, 27, 34, 37, 40.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Humahabol sa iyo ang suwerte saan kaman magpunta at anuman ang ginagawa mo, tila ayaw magpaiwan at nagpipilit na maging bahagi ng pang-araw-araw mong buhay. Dahil dito lagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero ang 3, 6, 12, 18, 27, 42. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here