Online Horoscope Enero 22, 2022

452

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ang iba ay sobrang pagod para kumita ng malaking halaga. Ang sa iyo ay kakaiba, konting pagod lang at maraming saya, pero kikita ka pa rin ng malaking kita. At ang isa pang mabuting balita, sa panahon ngayon isa-isa na namang nagdaratingnan ang mga taong magibigay sa iyo ng suwerte at kakaibang ligaya. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 3, 15, 25, 34, 42, 45.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ngayon ka pa ba panghihinaan ng loob, samantalang nakikita mo na ang aliwalas na future? Tama, halos abot-kamay mo na ang tagumpay, kaya anuman ang dati ng naiiisip mong positibo, ipatupad mo na lang ng ipatupad ng walang pag-aalinlangan. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 9, 18, 22, 34, 37, 41.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ang mataas ay dapat na inaakyat. Matataas ang mga pangarap mo, kaya dapat na ito ay akyatin mo. Kung hindi mo gagawin at iaasa mo lang sa iba kung ano ang darating walang mangyayari. Akyatin mo na ngayon, dahil sa taong ito ng 2022, isa-isa mo ng maaabot ang iyong mga pangarap, ang mahalaga, ay mangarap ka! Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 9, 18, 27, 38, 41, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Hindi ka dapat matakot at hindi ka rin dapat na malungkot at pang hinaan ng loob. Harapin mo lang ng harapin, dahil pagnatapos ng lahat ito, umasa kang mas malaking suwerte at mas malaking premyo na hindi mo inaasahan ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang orange. Masuwerteng numero 1, 22, 26, 32, 41, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Hindi ang mahal mo ang dapat na masunod kundi ikaw. Ipaliwanag mo sa kanya na higit kang suwerte at kinalulugdan ng langit, kaya wala siya  karapatang komontra. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero  6, 12, 18, 33, 42, 45.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi mo na dapat pang balikan ang nakaraan. Nakakaabala lang ito upang ikaw ay sumulong at umunlad. Sa taong ito ng 2022 isulat mo sa malinis na kuwaderno ang mga bagay na gusto mong mangyari at maabot. Makikita mo, makakamit mo na ito ng agad-agad. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 8, 16, 37,  39,  40, 43.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Matayog ang iyong pangarap, nasasayang lang dahil ayaw mong lakasan ang iyong loob. Ito ang araw na bibigyan ka ng langit ng kakaibang sigla upang magawa mo ang mga bagay na noon mo pa gustong-gustong gawin. Gawin mo na, wag kang matakot ang nasa itaas ang aalalay at gagagabay sa ‘yo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  1,  19 , 24,  27, 33, 45.   

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Wala kang magagawa ngayon, di kayang pigilan ang mga paa mo na lumabas ng bahay at ang kanyang pupuntahan ay ang lugar na kung saan may pagkain. Kapag nabusog ka na at nasiyahan, magugulat ka pa sa magaganap, magsisimula ka ng umunlad ng umunlad at suwertehin sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 7, 16, 23, 32, 38, 41.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Sa taong ito ng 2022, marami at hindi lang iisa ang suwerteng darating. Kung may sosobra at hindi mo naman magagamit pa sa ngayon, ipamahagi mo ito sa mga kakilala mong nalulungkot, namumroblema sa buhay at sa mga wala ng maaasahan. Kapag ganyan ka matulungin sa mga nangangailangan, sa taong ito ng 2022 patuloy na uuho sa iyong buhay ang suwerte at magandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang gold. Masuwerteng numero 5,  14, 24,  33, 42, 44.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kung ang sa iba ay pabago-bago ang lagay ng mga pangyayari, ang sa iyo ay nakapirmis at alam mo ba ang nakapirmis sa iyong buhay? Oo, nakapirmis sa iyo ang pagdating ng suwerte at magagandang kapalaran. May kundisyon nga lamang, gawin mo pa rin ang dati ng mga pagtulong sa mga mahihirap at ang personal mong pagdedebosyon sa kinabibilangan mong simbahan. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 6, 12, 26, 31, 32, 43.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Hindi masosolusyunan ng pagdadalawang isip mo ang mga problema.  Kailangang magmatapang ka, Magpasya ka na ngayon ng mabilis at makikita mo, mabilis din ang magiging resulta, magtatagumpay ka at may bonus pang malaking suwerte at magandang kapalaran sa pag-ibig at pananalapi. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  5, 17, 24, 28, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Isa-isa ng namumunga ang mga pinunlan mong sipag at tiyaga. Ang kulang na lang sa iyo ay ang sinop at ipon. Kapag may sinop at ipon ka na, kusa ng matutupad ang sa iyo ay itinadhana – yayaman ka! Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  4, 13, 24, 36, 39, 42.    

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here