Online Horoscope Disyembre 1, 2022

ARIES (Mar. 21-Apr. 19)

Huwag ikumpara sa iba ang mga tangian mo na wala sila. Ang totoo, wala kang katulad kaya kung gugustuhin mo, mapag-iiwanan mo ang nasa iyong paligid.

 Mapalad na kulay-red. masuwerteng numero-17-20-29-30-37-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) –

Marami ang magugulat sa iyo ngayon dahil aakalain nila na mabagal ang iyong pag-unlad, ngunit ang hindi nila alam ay ang biglang  magdadatingan na ang iyong mga suwerte sa buhay sa susunod na mga raw.

 Mapalad ja kulay pink. masuwerteng numero-4-17-22-25-39-42.

GEMINI (May 21-June 20)

Kung sino ang mas masayahin ang katangian kaysa sa iyo, siya ang magbibigay sayo ng mga suwerte. Mas mainam kung sabay kayong dalawa na magsaya at tumawa dahil mas bubuwensin ka. Mapalad na kulay-white. masuwerteng numero-7-10-14-16-25-32.

CANCER (June 21-July 22)

 Patuloy kang dadagsain ng mga suwerte kahit minsan ay  nag-aalinlangan ka. Ang mga nararanasan mong pinagkaitan ng tadhana ay hindi na mauulit. Mula ngayon, puro suwerte at magagandang kapalaran ang mapasasaiyo. Mapalad na kulay-green. masuwerteng numero-17-21-28-38-40-43.

LEO (July 23-Aug. 22)

 Mahirap paniwalaan, pero ang suwerte mo ay magmumula sa mga taong mukhang walang-wala. Bigyan mo sila ng saya kahit kaunti lang at magugulat ka dahil malalaking suwerte ang ibabalik nila sa iyo. Mapalad na kulay-yellow. masuweteng numero-21-25-32-39-40-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22)

 Hayaan mo lang ang mga naririnog mong  paninira sa iyo, kumbaga, manahimik ka lang sa harap ng mga intrigero at intregera. Sapagkat ang kondisyon para ikaw ay buwenasin, maglalabasan muna ang mga kontrabida sa buhay mo. Mapalad na  kulay-purple. masuwerteng numero-2-18-22-27-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22)

 Planuhin mo ang iyong buhay. Nakamasid sa iyo ang langit dahil titingnan nito kung may plano ka sa buhay. Ang nakakamangha ay langit mismo ang gagawa ng paraan para matupad ito. Mapalad na kulay burgundy Tlmasuwerteng numero-6-13-16-24-29-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21)

 Dito sa lupa, ang nangyari na ay muling nangyayari pa. Ibinabalita ng iyong kapalaran na ang mga araw kung kailan ikaw ay sinuwerte ay muling magbabalik at ito ay mangyayari ngayon kaya humanda sa mga suwerte at biyaya paparating na. Mapalad na kulay-beige. masuwerteng numero-7-11-18-20-29-35.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21)

 Kumuha ka ng lakas sa nasa tabi mo lang na alam mong may pangarap sa buhay. Lumayo ka sa mga nabubuhay lang sa kasalukuyan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran upang ikaw ay tuluyang magtagumpay Mapalad kulay-blue. masuwerteng numero-8-12-25-38-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19)

 Kahit nag-aalinlangan ka, gawin mo ang mga bagay na nais mong makamit at  makuha, ito sikreto ng kapalaran mo na nagsasabing, isuot  mo ang sapin sa iyong mga paa at maglakad ka sa upang matalisod mo ang suwerte. Mapalad na kulay-black. masuwerteng numero-11-19-25-39-41-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18)

Hindi naman mahirap hanapin ang iyong pampabuwenas. Oo, siya ay nasa malayo, pero siya ang palaging nagpapasaya sa iyo. Dalasan mo ang pakikipag-ugnayan sa kanya upang kagyat ding mapapa sa iyo ang mga suwerte mo .Mapalad na kulay-violet. maswerteng numero-4-15-21-30-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20)

 Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran, ito ay nagsasabing igalaw-galaw mo lang ang iyong katawan, ngunit hindi kailangang ikaw ay pawisan. basta wagkang tumunganga sa isang tabi kumilos ng naaayon sa iyong kagustuhan.

 Mapalad na kulay-peach. masuwerteng numero-14-19-20-27-39-44.