Online Horoscope Agosto 20 2018

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope Agosto 20 2018,  Lunes   –  Ito ang araw na magpapasya na ang langit. Ang napagpasyahan, bigyan ka ng suwerte. Napabilang ka sa mga taong mahina ang loob, pero may likas na buti at linis ng kalooban. Dahil sa iyong likas na             kabutihan, dadagdagan pa ng dadagdagan ang iyong suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay  ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Masayang naglalaro ang mga bata, puwede ka ring sumaya tulad nila, pero bago ka sumaya, alisin mo muna sa katawan mo ang mga lihim na galit mo sa mundo. Kapag nawala na ang mga lihim na galit at inis mo sa mundo, magsisimula kang sumaya at ang magagandang kapalaran at suwerte ay mahihigop nang masayahin mong personalidad. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

 TAURUS (April 20 – Mayo 20) Hindi ka dapat magsuot ng mga luma at hindi ka rin dapat sumimangot. Kaya sa araw na ito isuot mo ngayon ang bago at ang paborito mong damit at sisigla ka. At huwag mo ring kalimutan na ngumiti dahil sa mga ngiti mo manggagaling ang mga suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

 GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hinahanap ng tao kung ano ang bago, dahil ang mga luma ay nakakasawa. Hindi ka magsisisi kung magbabago ka na, wala na kasing bago sa araw-araw na takbo ng buhay mo. Ang unang baguhin mo ay ang mahina mong loob, kailagang lumakas na ang iyong loob, upang ang suwerte at magandang kapalaran ay agad na mapasaiyo. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Magdidikit ka sa mga may magagandang kalooban at lalo pang gaganda ang kalooban mo. Habang gumaganda ang kalooban mo, magsisimulang magningning ang iyong personalidad na siya namang aakit ng mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 8, 19, 28, 34, 37, 41 at 44.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Mapagpatawad ang pag-ibig kaya hindi masama kung patatawarin mo ang mahal mo. Ang pangako niya na siya ay magbabago ay bigyan mo ng pagkakataong matupad. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Ang mahinahon ay bukas ang isipan at ang bukas ang isipan ay hindi magkakamali. Maging mahinahon ka  para maging tama lahat ng iyong pagpapasya. Kapag mahinahon ka at laging tama ang iyong pagpapasya, susuwertehin ka at habang buhay na magiging maligaya. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Inilaan ka sa mataas na katungkulan pero daraan ka muna sa mababa. Ito ang iyong magsisilbing pagsasanay upang maging mahusay ang iyong panunungkulan. Ikaw din ay inilaan sa pagyaman, pero dadaan ka muna sa pagiging mahirap. Ito ang magsisilbing pagsasanay upang kapag mayaman ka na ay tulungan at mahalin mo silang mga mahihirap. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Hindi sa lahat ng oras ang lohika at talino ay kailangan mong ipamalas. Sa pagkakataong ito, magpatalo ka sa isang kasama na nakikipag-debate, dahil kapag nagpatalo ka, matutuwa siya sayo, ipagkakaloob niya ang isang bagay na noon mo pa sa kanya hinihiling. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Mabilis ang mga pangyayari sa buhay mo, kaya ang pagyaman mo ay para ring hinihipan ng hangin sa sobrang bilis at iiwan mo ng milya-milya ang iyong mga kakumpetensya. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

 CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Walang maaasahan na magmumula sa mga malalapit sa iyo, dahil ang alam nila ikaw ang kanilang pag-asa. Kaya mas makabubuting wag mo na lang silang asahan, sa halip, doblehin mo pa ang pagsisikap at pagpapayaman, dahil ito ang tunay mong misyon sa mundo. Ang yumaman at umunlad ng umunlad, upang patuloy na umasa ng umasa ang mga taong ikaw lang talaga ang inaasahan.  Mapalad na kulay ang pink.  Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Hangin ang kailangan ng ulap upang makapaglakbay sa malalayong lugar. Kailangan mo ngayon ang inspirasyon at mga kasamang magpapalakas ng iyong loob, upang magawa mong lahat ang iyong mga plano at binabalak. Magagawa mo ring makapag-abroad, at sa ibayong dagat, uunlad ka. Oo basta’t sumakay ka lang sa hangin, susuwertehin ka at habang buhay na magiging maligaya.Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi nabubuhay ang tao na mag-isa. Wag mo ng ipilit ang paniniwala mong kaya mong mag-isa. Magahanap ka ng magmamahal sa iyo, naghanap ka ng makakatuwang sa buhay na aalalay sa iyo at ng makakasama mo. Dahil sila ay magiging mahalaga sa iyo upang patuloy kang suwertehin at magtamo ng magagandang kapalaran. Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

 Salamat sa pagbasa sa Online Horoscope Agosto 20 2018

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here