Online Horoscope Agosto 10 2018

0
413
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang Online Horoscope Agosto 10, 2018,  Biyernes –  Hindi man gaanong kalakihan ang mga suwerte mapapasaiyo pero ito ay marami at sunod-sunod. Kaya naman sapat pa rin ito para masabi mo na ang langit pala ay hindi ka nakakalimutan. Lagi kang magpasalamat sa nasa itaas dahil patuloy ka niyang aalalayan. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mamamangha ang mga taong nasa paligid mo dahil sa biglaang pagdapo ng isang malaking buenas na may kaugnayan sa pag-ibig at materyal na bagay. Magpasalamat kang lagi sa nasa itaas upang magtuloy-tuloy pa ang iyong buenas  at magagandang kapalaran. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na simple lang ang pinapagawa sa iyo ng langit upang ikaw ay magtagumpay at umasenso. Dumikit ka sa mga asensado dahil kung sino ang nakakasama ng tao ay magiging ganoon din siya. Kaya wag kang makikibarkada sa mga walang kuwentang tao dahil sa bandang huli baka maging walang kuwenta ka rin. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Ito ang sinasabi iyo ng langit sa araw na ito, kasabay ng paganda ng kapalaran mo ay gaganda rin ang kapalaran ng mga taong nakatulong sa ‘yo. Maiiwan naman na parang pinagdamutan ng kapalaran ang iyong mga kaaway at karibal.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Kung ano ang nasa isip mo, yon ang mangyayari sa iyo. Kaya hindi ka dapat mag-isip ng mga negatibo. Ang ilagay mo sa isipan mo ay ang magagandang bagay lang, upang ang magagandang bagay na ito ang siguradong mangyayari sa’yo sa malapit na hinaharap. Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na kumilos ng kumilos. Sapagkat kapag kumilos ka ng kumilos at hindi pumirmi sa inyong bahay, ang magagandang kapalaran ay isa-isang sasagapin ng iyong pagkatao, lalo na sa pag-ibig at materyal na bagay.Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Marami kang  dapat na ipagpasalamat sa langit dahil ang totoo kusang iaangat ng langit ang  kabuhayan at ang ranggo mo sa buhay, kaya hindi ka dapat tumanggi. Kumbaga, dapat kang magpasalamat, dahil awtomatiko ang pag-angat ng graph ng pag-asenso at pag-unlad sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.  Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Pinapahintulutan ka ng langit sa araw na ito na magdagdag ka ng pangarap kapag ang ibang pangarap mo ay hindi mo pa nakukuha. Hindi masama ang maraming pangarap, dahil bago ka pa isinilang itinalaga na ng langit na isa-isang matutupad ang mga pangarap mo sa takdang panahong ang kapalaran ang magpapasya. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Nagniningning ang iyong pagkatao, kaya sa iyo maraming susuwertehin sa araw na ito. Dahil ang totoo, ikaw talaga ang suwerte at sila ay makababahagi lang sa mga suwerte mo. Kaya dapat lagi kang magpasalamat sa nasa itaas sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kadugo at kamag-anak mong naghihirap ang buhay.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Ipakikita sa iyo ng langit ang mga oportunidad na puwede mong sunggaban. Hindi ka dapat masiyahan sa pagtingin lang, sa halip sunggaban mo ang kahit isa sa mga iyon.  Oo, ibinabalita ng langit na halos abot-kamay mo na ang tagumpay ngayon. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Suwerte ka ngayon, aalisin ng langit ang mga sagabal at hadlang sa mga gusto mong mangyari. Ang pagiging malaya, patuloy na tagumpay at pananaig sa anumang bagay na gusto at maiibigan mo ay maluwag na maluwag na mapapa sa iyo.Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Hawak mo ang kinabukasan ng mga taong malalapit sa iyo kaya hindi ka puwedeng mabigo kasi maaapektuhan sila. Ito ang isa sa hiwaga ng iyong kapalaran, kung saan, dahil maraming umaasa sa iyo, hindi ka dapat mag-alala, dahil ang lahat ng iyong mga pangangailangan ay ipagkakaloob sa iyo ng langit ng walang kahirap-hirap at suwabeng-suwabe lang. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na pagpapalain ng langit ang iyong buhay.  Itodo mo na ngayon ang lahat ng iyong kakayahan upang ang mga oportunidad na sumasaiyo sa ngayon ay lubos mong mapakinabangan. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

Salamat sa pagbasa sa Online Horoscope Agosto 10.

 

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here