Online Horoscope Abril 2 2018

Online Horoscope April 11 2018

Ang ating Online Horoscope ngayong Abril 2 2018,  Lunes  Hihintayin ka ng iyong kapalaran sa malayong lugar dahil naroon mismo at makakaharap mo ng personal ang iyong napakalaking suwerte sa larangan ng salapi at sa aspetong pang-emosyonal.  Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

ARIES  (Marso 21- April 19) Sisirain mo ngayon ang mga makaluma at sinaunang prinsipyo ng buhay. Ibig sabihin, ang iyong susundin ay ang mga makabagong pananaw at ideya. Gawin mo, dahil ito ang susi sa iyong pag-unlad at wagas na kaligayahan. Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) – Ito ang araw na malakas ka sa itaas. Ibig sabihin, puwede kang humiling ng kahit na ano. Puwede rin ang mga imposible at ang mga mahihirap mangyari. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Hangga’t maaari wag mong hayaang madikit ang iyong balat sa kahit na sino maliban lang sa iyong mahal. Dahil ang madikit sa ‘yo ay magagayuma mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Minsan ang kabiguan ay baitang din papunta sa tagumpay. Ganyan din ang magaganap sa iyong karanasan, ang mga kabiguang noong nagdaang mga panahon ang siyang magiging hagdan mo patungo sa tiyak na tagumpay at mga pag-asenso sa buhay lalo na sa larangan ng materyal na bagay at aspetong pang-emosyonal.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na dapat kang magtiwala sa iyong sarili. Dahil sa sandaling nabuo ang tiwala mo sa iyong sariling kakayahan, ang lahat ng suwerte at magagandang kapalaran ay isa-isa ng ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Ito ang araw na tatalunin ng malinis at dalisay mong pagkatao ang anumang banta ng tukso sa iyong buhay ngayon. Panatiliin mo ang iyong katapatan sa iyong sarili. Sa ganyang paraan mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Sa pagnenegosyo ka titiba at tatabo ng malalaking halaga. Kaya ang payo sa‘yo ng kalangitan, magnegosyo ka. Sa pagnenegosyo ka mabilis na uunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Kung sino ang malakas siya ang mananaig, kaya magpalakas ka ng magpalakas. Kapag lumakas ka na ng todo, ikaw na ang tiyak na manaig hanggang sa makamit mo na ang malaon mo ng pangarap na yumaman ng mayamang-mayaman. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Tanggapin mo ang mga mungkahi na ipinaabot sa ‘yo. Hindi puwede na ikaw na mismo ang magpasya at hindi ka makikinig sa mga opinyo ng iba, dahil kapag ganyan ka malamang na mapahamak ka. Sa pagsunod sa mga mungkahi at opinyon ng iba, mas malaking suwerte at magagandang kapalaran ang iyong makukuha. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Mapagpumilit ang kambing, kaya dapat mo siyang tularan. Kapag ikaw ay naging mapagpumilit, makukuha mo ang lahat ng iyong gusto sa buhay basta’t ito ay lagi mong ipagpipilitan. Kaya nga kapag pinagpilitan mo ang pagyaman, walang duda, yayaman ka.   Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Igalang ang matatanda pero kailangan ding igalang ang mga bata. Ibig sabihin, pakitahan mo ng kabutihan ang mga matatanda at alalayan mo ang mga bata. Kapag ganyan ka, doble-dobleng mga biyaya at mga pagpapala ang ipagkakaloob sa iyong langit.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Kung ano ang idikta ng puso mo, iyon mismo ang iyong susundin. Kaya ang mga kapamilya at ilang mga kaibigan mo ay hindi ka mauunawaan.   Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here