Online Horoscope Abril 13 2018

Online Horoscope April 11 2018

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ito ang ating Online Horoscope Abril 13 2018,  Biyernes  – Biyernes-trese ngayon kaya ibinabalita ng araw na ito na iiwanan mo ng milya-milya ang iyong mga kasabayan dahil ang langit mismo ang kikilos para maabot mo ang lahat ng matatayog mong mga pangarap, kabilang na rin ang pag-unlad ng kabuhayan hanggang sa yumaman. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) Walang imposible sa taong determinado. Kaya dapat ay determinado ka. Higit kailanman, ngayon mo ipakita na ikaw ay determinado na umunlad at yumaman. Kapag ganyan ka, hindi lang pag-unlad at pagyaman ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, bubusugin ka pa ng susuwertehin at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet. Masuwerteng numero 6,  15, 19,  24, 37, 45.

TAURUS  (April 20 – Mayo 20) Gumaganda ang personalidad at kapalaran ng mga taong in love. Tulad mo, mababago na ngayon ang mga kilos mo at pananalita dahil ang pag-ibig ay maghahari sa ‘yo mismo. At habang naghahari ang pag-ibig mas maraming buenas at suwerte ang isa-isa ng magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Hindi biglaan ang pagbabago kaya wag kang masyadong mainip. Dahil kumukuha pa ng malakas na buwelo ang langit upang bigyan ka ng isang napakagandang kapalaran. Matapos ang malakas na buwelo, ang lahat ng suwerte at buenas ay isa-isa ng mapapasaiyo.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.   

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ito ang pinapagawa sa iyo ng mga bituin, sa harap ng salamin ay araw-araw ibulong mo na gumaganda ang kapalaran at gumaganda nga. Kung ano ang ilagay mo sa isip mo, yan mismo ang mangyayari sa ‘yo. Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

 LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Kapag nanalig ka sa lakas ng loob at tiwala sayong sarili, kahit anong mga pagsubok ay tiyak na iyong malalagpasan. Kaya, dapat lakasan mong lagi ang iyong loob at manalig ka sa iyong kakayahan. Hindi mo lang malalagpasan ang mga pagsubok, ang suwerte at magagandang kapalaran ay agad-agad ding magdaratingan sa iyong harapan.  Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Hindi mo ba napapansin na walang direksyon ang mga kilos mo? Oo sasaya ka pero sa huli maiisip na hindi sapat ang iyong mga naranasan para sa hinahanap mong ligaya at pag-unlad ng kabuhayan. Kaya ang dapat lagyan mo ng layunin at direksyon ang anumang gagawin mo sa buhay, sa ganyang paraan ka liligaya at tuloy-tuloy na yayaman.   Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.    

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Huwag kang patalo sa kalungkutan dahil kapag masaya ka, ang mga magagandang kapalaran ay kusang maglalapitan sayo. Mamasyal ka o kaya’y mag-swimming at puwede ring makipagkuwentuhan sa mga kaibigan mong mahilig sa tsikahan. Kapag ganyan ka, marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang magdaratingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag mong hayaan na maghari muli sa ‘yo ang mga hindi magagandang katangian mo tulad ng galit at pagkainis, dahil sa ngayon ay naglalakbay ka sa landas ng buhay mo papunta sa ganap na pag-asenso at tuluyang pagyaman. Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Patuloy kang tatanggap sa langit ng magagandang kapalaran hindi dahil ginusto mo, kundi dahil sa kasalukuyan ay likas kang suwerte at patuloy ka pang inaangat ng kapalaran sa matataas na bagay na inaambisyon at pinapangarap mo, kung saan, ang lahat ng ito ay suwabeng-suwabeng mapapasaiyo. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) Marami ang nagtatangkang pumasok sa negosyo at sila ay napabilang sa mga bumagsak ang kabuhayan. Hindi mangyayari sa‘yo ang pagkalugi dahil simula pa lang ng ikaw ay isinilang ang iyong pangalan ay nakalista na sa mga taong yayaman sa pagnenegosyo.  Mapalad ang kulay na red. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) Lahat ay napapagaling ng panahon. Ang lungkot mo ay pagagalingin din ng panahon. Umasa ka dahil darating ang sandali na malilimutan mo ang iyong masakit na kabiguan. At sa sandaling gumaling na ang iyong kalungkutan, isa-isang magdaratingan ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  Maaga kang bumangon at bumili ng iyong pampasuwerte at dapat ay ngayon na dahil ang araw na ito ay sadyang at lubhang mapalad para sayo para sa mga bagay na may kaugnayan sa mga pagpasuwerte at panghigop ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here