Online Horoscope Abril 1 2018

Online Horoscope April 11 2018
Maestro Honorio Ong

Ang ating Online Horoscope ngayong Abril 1 2018,  Linggo  –  Malayo ang iyong mararating ibig sabihin magiging matagumpay ang iyong buhay. Ito rin ay nagsasabing makararating ka sa malalayong lugar. Mapalad na kulay ang orange.  Masuwerteng numero 6, 18, 25, 27, 39, 43.

ARIES  (Marso 21 – April 19) – Kung hindi ka magpapakita ng malakas na pagkontra sa halip ay sasang-ayon ka lang, dadalhin ka ng iyong tadhana sa isang lugar kung saan ka uunlad at magiging maligaya.  Mapalad na kulay ang  blue.  Masuwerteng numero 5, 18, 21, 27, 32, 45.

TAURUS (April 20 – Mayo 20) Bakit ka naniniwala sa mga naririnig mo? Oo, mas maganda kung hindi ka agad maniniwala sa mga pinagsasasabi ng mga nasa paligid mo. Mas mabuti na ikaw mismo ang makakita at makaranas pagkatapos mong ranasin, magplano kang mabuti para hindi ka mamali ng pasya. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero  9, 14, 23, 27, 37, 45.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  – Ikaw ngayon ang kakapusin dahil sa pagtulong mo sa’yong kapwa. Magkagayunman, magiging masarap ang iyong pakiramdam, dahil nakagawa ka na naman ng isang kabutihan. Dahil sa kabutihang ito, ang langit ang gaganti sa’yo, sa susunod na mga araw  mas marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong harapan.  Mapalad ang kulay na black. Masuwerteng numero  7, 14, 23, 34, 43, 45.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Huwag mong pakinggan ang ibang tao sa kung ano ang dapat mong inegosyo. Higit na magtatagumpay ka at magiging maligaya kapag ang hilig mo ang iyong susundin, aatupagin at  sisimulan. Mapalad  ang kulay na yellow. Masuwerteng numero 1, 10, 19, 27, 37, 43.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Ito ang araw na muling magbabalik ang mga suwerte mo kaya lahat ay sasaya maliban lang sa mga lihim na may inggit sa iyo.  Ibahagi mo ang iyong mga suwerte sa mga taong tunay na malalapit sa buhay mo. Mapalad na kulay ang green. Masuwerteng numero 1, 14, 22, 32, 37, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Matatangay ka ngayon ng iyong emosyon. Sa huli, sasabihin mo sa iyong sarili kung bakit ba hindi gumana ang isip mo? Magkagayunpaman hindi naman mababago ang nakatakda magiging pabor pa rin sa iyo ang sitwasyon, hindi mo rin aakalaing sa iyong pagkamamali mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang iyong matatanggap.  Mapalad na kulay ang red. Masuwerteng numero 6,  15, 19, 24, 37, 45.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktubre 23) Huwag mong pahirapan ang mga taong nakapaligid sa iyo, ganoon din naman, wag mong pahirapan ang sarili mo. Dahil sa bandang huli magugulat ka pa at mamamangha sa mga mangyayari, makukuha mo ang anumang ginugusto at inaasam-asam mo, dahil ang lahat ng ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng langit.   Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 9, 13, 27,  31,  32, 44.

 

 

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) – Maiinis ka ngayon dahil sa tingin mo ay sobrang mababagal ang mga tao sa iyong paligid dahil noon pa man mas gusto mong mas mabilis na matapos ang mga bagay. Pabayaan mo na lang sila, habang sa sarili mo, ituloy mo ang iyong ginagawa at lalo mo pang pagbutihin, upang tuloy-tuloy kang umunlad hanggang sa yumaman.   Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero 3,  12,  17, 27,  34, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Sapat ang lakas ng loob na nasa sa iyong pagkatao kaya lang naaapektuhan ka ng mga negatibong pananaw ng mga taong nakapaligid sa iyo. Wag mo silang pansinin, tuloy-tuloy mo lang gawin ang iyong mga balak at plano malapit na malapit ka ng manaig at magtagumpay. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero  7, 19, 25, 26, 35,  43.

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Walang mataas na bundok sa kambing, kapag ginusto niyang akyatin. Walang matayog na ambisyon sa‘yo kapag ginusto mong makamit. Simulan mo na ngayon at siguradong makakamit at mararating mo ang anumang matayog na layunin o ambisyon na iyong pinapangarap.  Mapalad na kulay ang purple. Masuwerteng numero 4, 8, 26, 31, 40, 42.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Mula sa malayo magmumula ang mga alalay at tulong na iyong kinakailangan sa ngayon na sasagot sa’yong mga suliranin. Mapalad na kulay ang apple green.  Masuwerteng numero 1, 10, 25, 34, 41, 43.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20)  – Malalaki at sobrang marami ang mga pangarap mo. Isa lang sa mga ito, sapat na para yumaman ka ng sobra. Kaya wag mong pangarapin ang mga bagay na malayo sa katotohanan at imposibleng mangyari. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  3, 12, 24,  33, 37, 43.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here