OFW Tips and Tricks: Paano Sumagot sa Job Interview

0
127

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Season nanaman ng paghahanap ng trabaho at para sa mga kababayan natin na nagsasapalaran para magkaroon ng hanap buhay, hindi maiwasan na mapaisip kung paano nga ba makapasok sa trabaho. Mapa-OFW man o Philippine-based na trabaho, mas magandang maging handa kaysa mangapa sa araw ng job interview.

Basahin ang article na ito para mas matuto sa iyong paparating na job interview.

1. Pagpapakilala sa iyong sarili

Keep it professional. Huwag kang magkwento tungkol sa hobbies at interests mo. Magbigay ka ng summary ng dati mong trabaho, at sabihin mo kung paano ka magtrabaho. Maaari mo rin sabihin ang tingin mong best skill mo na makakatulong sa kompanya. Ang sikreto lang na uulit-ulitin ko sa article na ito ay ang maging totoo sa mga sinasabi. Huwag mo bulaklakin ang sinasabi mo at huwag ka mag-imbento para lang bumango ang image mo.

2. Pagkaka-alam sa kompanya

Huwag na huwag kang mag-aapply kung hindi ka man lang nag-research tungkol sa isang kompanya. Siguraduhin na makita mo kung anong klaseng kompanya sila para makasagot ka kung ano ang tingin mo sa kanila kapag tinanong ka nila.

3. Bakit ka nila dapat i-hire?

Dito mo na ibebenta ang sarili mo sa kanila. Siguraduhin mo na masasabi mo lahat ang skills mo at kung paano mo magagamit ang skills mo sa pangangailangan ng kompanya nila. Kailangan mo rin masabi sa kanila na team player ka at patunayan mo ito sa isang experience.

4. Ano ang strengths(mga kalakasan) mo?

Sa parte na ito, maiisip mo na maaari kang magyabang, pero still, honesty is the best policy. Huwag kang magsabi nang mga bagay na hindi totoo. Sabihin mo ang skills mo na sobrang proud ka at magbigay ka rin ng sitwasyon kung saan mo ito nagamit at na-apply.

5. Ano ang weaknesses(mga kahinaan) mo?

Huwag ka matakot sa parte na ito. Importante pa rin na maging totoo ka. Mas naa-appreciate ng interviewer kapag kaya mong ma-assess ang sarili mo imbes na nagbubuhat lang lagi ng sarili mong bangko.

6. Ano ang mga challenges na naranasan at nalampasan mo?

Huwag mong gamitin ang tanong na ito para magkwento tungkol sa mga problema mo sa pamilya o kaya ay sa ex mo. Magsabi ka lamang ng mga problema na konektado sa mga dati mong trabaho. Ikwento mo rin kung paano mo ito sinolusyonan.

7. Bakit mo iniwan ang dati mong trabaho?

Huwag na huwag kang magsisinungaling dito dahil mataas ang posibilidad na magtanong ang interviewer mo sa dati mong trabaho. So, answer as honestly as possible.

8. Ano ang ine-expect(inaasahan) mo sa posisyon na inapplyan mo?

Ang tamang paraan ng pagsagot na ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tasks at functions na nakasaad sa job description na inaapplyan mo. Maging klaro ka na alam mo ang ine-expect nila mula sa iyo.

9. Ano ideal work environment para sayo?

Ang maaari mong isagot dito ay ang pagkakaroon ng cooperation imbes na competition. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa isang working environment na hindi ka naman bagay o fit.

10. Paano mo hina-handle ang stressful situations?

Matetest ang composure na ito, pero mas maganda pa rin na maging honest ka. Magkwento ka ng isang sitwasyon kung saan na-test ang patience mo at sabihin mo kung ano ang steps na ginawa mo para maresolba ang challenge na ito.

SHORT CONCLUSION:

At the end of the day, ang pagiging totoo sa sarili at sa interviewer mo ay makakatulong sayo ng malaki. Huwag ka mag-imbento ng kung anu-ano dahil magaling magbackground investigation ang HR at Admins ng mga kompanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here