OFW Story Renjen : Gusto na mamatay

1
492
PhilippineOne has over 100 OFW articles

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Ang OFW Story Renjen muna ang ating talakayin dahil kapag hindi tayo kumilos ngayonay baka maisipan na niyang magpakamatay. Kapag kasi sapin-sapin na ang problema, hindi kataka-taka kung maiisipan niyang magbigti o maglaslas ng pulso.

Gusto ko na mamatay! Ito ang sigaw ni Remjen Ire M. Montanez. Dalawang buwan na raw kasi siyang hindi binibigyan ng sahod ng kanyang amo tapos wala pa rin daw signal ang kanyang SIM card kaya hindi niya matawagan ang kanyang pamilya. Nagsumbong na raw siya sa OWWA Manila ngunit hindi raw siya pinakikinggan. Ang sabi pa niya diumano’y mas pinaniniwalaan pa raw ng OWWA ang kanyang agency.

Gaano kaya katotoo ito at ano ang masasabi ng OWWA?

Sana naman ay hindi ipagwalambahala ng mga taga OWWA ang mga hinaing ng mga OFW. Ang dapat ay pakinggan nila ang ating mga kababayan o kung hindi man sila naniniwala ay dapat naman na mag-imbestiga sila. Huwag naman sana silang magpabaya sa kanilang responsibilidad sa mga OFW dahil ang pagtatrabaho sa ibang bansa ay sadyang napakahirap tapos ay madadagdagan pa ito ng problema.

Ang dahilan ng mga OFW kaya nagpunta sa ibang bansa para magtrabaho ay dahil nais niyang makatulong sa kanyang pamilya. Kaya kung hindi sila papasahurin ng kanilang amo, tiyak na sobrang naghihirap ang kanilang kalooban at dahil nga nasa dayuhang bansa sila ay para silang inalisan ng lakas. Gustuhin man nilang lumaban ay mahihirapan silang gawin dahil maaari silang baliktarin ng kanilang amo.

Kaya naman ngayon pa lamang ay nakakaramdam na sila ng kawalan ng pag-asa. Paano naman kasi sila magkakaroon ng pag-asa kung ang ahensya na inaasahan nilang tutulong sa kanila ay tinatalikuran sila. Mahirap sanang paniwalaan na pababayaan ng mga taga-OWWA ang ating mga OFW na labis na nangangailangan ngunit marami ring OFW at kamag-anak ng mga OFW na nagsasabing matagal na silang humihingi ng tulong pero pinapabalik-balik lang sila ng mga nagtatrabaho sa ahensyang ito. O, hindi ba iyon din naman ang kuwento ng mga kamag-anak ng babaeng pinatay at inilagay sa ref.

Kaya sana naman ngayon, habang nabubuhay pa ang isang OFW, kumilos na sila. Gawin na nila ang kanilang trabaho dahil iyon naman ang responsibilidad nila. Kung hindi nila magagampanan ito, mas maigi pang huwag na silang magtrabaho dahil wala naman silang silbi sa mga OFW. Pasensiya na sa salitang ito pero iyon naman ang totoo. Sumasahod ka araw-araw kaya dapat mo lang gawin ang iyong trabaho. Hindi ka naman binabayaran para tumunganga, makipag-tsismisa o mag-FB.

Kaydaming naghahanap ng trabaho kaya kapag hindi kumikilos ang mga taga-OWWA, maigi pang pagtatanggalin na ‘yan. Kapag ganoon ang ginawa, darating ang araw na magkakaroon na ng pakialam ang mga ahensya na ‘yan sa OFW. Paano ko nasabi. Siyempre, mahirap maghanap ng trabaho. Kung hindi nila iyon pahahalagahan, pamilya naman nila ang kawawa.

 More OFW articles

1 COMMENT

  1. Sino naman ang maysabi sa yo na nakatunganga lang ang mga taga OWWA? Madaling magmatapang sa social media, na akala mo alam nila ang lahat ng mga galaw ng tao. Sa mga viral videos ka lang naman kumukuha ng sinusulat mo dito. Isang side lang ang alam mo. Wag masyado magmagaling.Baka pag ikaw ang pinadala sa ibang bansa para mag asikaso sa libo libong OFW, baka di mo kayanin. Wag masyado mag epal!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here