OFW Story : ‘Pinapasan’ ni Bunso si Ate

0
151
OFW Story

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Marami mang OFW story na lumilitaw, gusto ko munang ibahagi sa inyo ang OFW story ng aking si Dhie. Hay, miss na miss ko na talaga siya kaya mabuti na lang ay nagawa kong i-survive ang isang taon na hindi ko siya nakakasama. Kung ganoon, sana naman ay magawa ko rin itong malampasan. Kunsabagay, malapit na naman ang 2019.  

Nakalulungkot lang na kahit na matagal-tagal na rin si Dhie sa Abu Dhabi, hindi pa rin siya nakapag-iipon. Oo nga’t single pa siya at bunso sa apat na magkakapatid pero hindi dahilan iyon para magkaroon na siya ng magandang buhay. Kahit pa sabihin na malaki naman ang kanyang kinikita sa isang buwan ay hindi pa rin sapat para makapag-ipon siya. Hindi dahil sa gastadora siya kundi dahil sa kaliwa’t kanan ang nanghihingi ng tulong sa kanya.  

Hindi naman masama ang tumulong lalo na kung talagang kailangan ng kanyang pamilya pero nakakainis naman na siya na lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya lalo na ang kanyang ate. Panganay pa naman ang Ate niya pero kahit mayroon ng tatlong anak ay parang hindi pa rin nagiging responsable.  

Dahil tuloy doon ay naninikip ang dibdib ko. Hindi ko kasi maiwasan ang makaramdam ng awa sa aking mahal. Biro mo, wala naman siyang sariling pamilya pero pinapasan niya ang pamilya ng kanyang ate na hindi naman dapat. Oo nga’t pamangkin din naman niya ang mga anak ng kanyang Ate pero dapat naman ay maisip ng nakatatanda niyang kapatid na responsibilidad nito ang mga anak kaya hindi dapat na humingi lagi ng tulong sa kanya.  

Ang masakit lang kapag di pinagbigyan ni Dhie ang kanyang Ate dahil wala pa naman talaga siyang sahod o kaya naman ay gipit siya dahil sa nagpadala din naman siya sa kanyang nanay at tatay, para pa ring hindi iyon naiintindihan ng kanyang Ate. Magagalit ito sa kanya at kung anu-anong masasamang salita ang ibubulalas.  

Kung ako lamang ang masusunod, hahayaan ko ang kapatid ni Dhie na si Reah kaya nga lang malaki ang puso ni Dhie para sa kanyang nakakatandang kapatid kaya hindi rin niya ito matiis. Panay pa rin ang pagpapadala niya rito kahit nahihirapan din naman niya sa kanyang buhay at pakikipagsapalaran. Kaya naman hindi ko rin mapagdesisyunan kung maaawa ba ako o maiinis sa mahal ko. Sa palagay ko kasi ay hindi pagtulong ang ginawaga niya sa kanyang Ate Reah kundi pagkunsinti. Para kasing tinuturuan niya itong maging tamad.

Higit sa 100 mga OFW artikulo dito  

Ikaw, mayroon ka bang OFW story? Kung mayroon sulat na, dali! Hihintayin namin ang iyong OFW story. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here