OFW Stories: Hindi Obligasyon ng OFW Magdala ng Pasalubong

0
86

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Sa isang Facebook post ng isang OFW na si Raymond Lopez noong October 19, mapapansin na masama ang loob niya sa mga kamag-anak niya na nagrereklamo pa sa mga pasalubong na inuwi niya galing sa ibang bansa. Read on.

Sabi niya sa post niya,

“Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka! Bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa’yo, na kesyo “ito lang”, “nagbigay ka pa”, “kuripot naman”, “‘yan ba ‘yung abroad?”, “tatlong-taon sa abroad heto na ‘yun?”.

Una po sa lahat, hindi po nagbabalik-bayan o umuuwi ang isang OFW para bigyan o pasalubungan kayong lahat, walang obligasyon ang isang OFW na bigyan kayo ng mga tsokolate, sabon, pabango at kung anu-ano pa! Umuuwi ang isang OFW hindi para manlibre, magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung anu-ano. kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang at makasama ang kani-kanilang pamilya’t mahal sa buhay.

Sana, subukan n’yo ‘hong mag-abroad, para po maranasan n’yo rin ang mga naging sakripisyo namin, ‘yung mga pagtitipid, pangungulila at kalungkutang nararanasan namin at ng ating kapwa-OFW sa buong mundo. Matuto po sana kayong magpasalamat, makuntento o ma-appreciate man lang, dahil kahit papaano’y naabutan at naalala kayo nung tao.”

Kung ikaw ay isang kamag-anak o kaibigan ng isang OFW, maganda na matuto ka sa post na ito ni Raymond dahil dugo’t pawis nila ang lahat ng napundar nila, at wala kang karapatan sa pera nila. Kung bigyan ka nila ng pasalubong, magpasalamat ka kaysa magreklamo. Tandaan mo na hindi dapat tradisyon ang magdidikta sa kung paano ka mamumuhay.

Matindi ang sakripisyo ng mga OFW at kahit pa marami silang naipon, hindi nila obligasyon ang magbigay ng pasalubong o pera sa mga kamag-anak nila sa Pilipinas. Dapat magkaroon tayo ng delikadesa at tinatawag na “breathing” pagdating sa mga bagay na hindi naman natin pag-aari. Kahit pa anak mo ang galing abroad, respetuhin mo kung ano ang plano niya sa ipon niya. Hindi mo siya dapat diktahan sa kung ano ang gagawin niya sa ipon niyang pera.

Ang dapat mo pa ngang gawin kapag uuwi ang mahal mo sa buhay na manggagaling sa ibang bansa ay paghandaan mo sila at i-welcome ulit sa Pilipinas. Ito ay sa kadahilanan na nakauwi siya ng ligtas at sa hirap na dinanas niya sa ibang bansa na may halong home sickness, ay hinahanap niya ulit ang kulturang Pilipino. Kailangan ninyong magpasalamat sa Diyos na safe ang kapamilya mo. Huwag mo iparamdam sa kanya na ang pag-uwi niya ay oras nanaman para sa pasalubong at paghingi ng pera.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More K-Pop

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here