OFW Stories April 14: Ipinagpalit ng misis sa Arabo

0
931

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Sa pakikipag-usap ko sa FB friend kong itago na lang natin sa pangalang Nel, nakaramdam ako ng sakit sa kanyang istorya. Hindi raw niya kasi inakala na magagawa iyon ng kanyang misis. Ang sabi daw kasi ng misis niyang si Miriam, magpupunta ito sa Kuwait dahil ibig nitong matulungan siya sa pagtatrabaho.

Ayaw niya sanang pumayag sa desisyon na iyon ng kanyang misis dahil nga dalawa ang kanilang anak anak, puro babae pa. Kaya talagang makabubuti raw kung ang misis niya ang mag-aalaga sa kanilang mga anak kaya lang may pagkakataon talaga na matigas ang ulo ng kanyang misis. Kahit na mag-asawa sila, gusto pa ring masunod ang kanilang gusto. Kaya, pumayag na lang siya.

Sabi ni Nel, wala na siyang magagawa kundi ang magtiwala. Alam naman niya na mahal sila ng kanyang misis. Kaya naman sa loob ng isang taon ay naging maganda ang relasyon nila kahit magkalayo sila. Kaya nga lang, mahirap pala talagang panindigan ang pangako kung may tukso sa paligid. Kaya naman naramdaman daw niya agad ang biglaang pagbabago ng kanyang misis.

Kung dati ay lagi silang nag uusap kahit sa cellphone o chat, bigla na lamang daw umiwas si Miriam. Nang una pa ay naisip kong hinigpitan siya ng kanyang amo o maraming ginagawa kaya umiwas na rin siya kaya lang, hindi lang pala ganoon ang nangyari. At nabulgar na rin ang katotohanan isang araw. Nang tumawag si Nel sa kanyang misis sa chat ay nalaman niya ang katotohanan.

Ang kanyang misis nakikipagrelasyon sa amo nitong Arabo. Dahil doon, sinabi na rin ng misis niyang iniwanan na silang pamilya nito. Ibig daw kasi nitong mabago ang buhay nito at mangyayari iyon kapag nakisama ito sa amo nito. Dahil sa hindi naman sila kasal ng itinuturing niyang misis, nagawang makapagpakasal nito ng walang kahirap-hirap.

Masakit ang nangyari sa buhay ni Nel, kahit nga ilang taon na ang nakalilipas ay nasa puso pa rin nito ang sakit. Napakasakit naman kasing mapagtaksilan at naramdaman ko iyon. Minsan din naman kasing nangyari iyon sa akin. Mapalad lang ako dahil nakatagpo ako ng makakasama sa habambuhay. Samantalang itong si Nel, wala pang natatagpuan pero hindi siya nawawalan ng pag-asa. Iyon nga ang dahilan kaya hindi siya humihinto sa pakikipag chat. Umaasa siya na sa pamamagitan ng social media ay makakatagpo siya ng babaeng mamahalin at makakasama sa habambuhay.

More Commentary

More Politics

More OFW

More @nagmamatyag

More Tula

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here