OFW NA NAKIPAGRELASYON PARA MAY MAKAIN AT MAY MATIRHAN, KILALANIN!

0
144

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Kapit sa patalim, ito naman ang karanasan ng ng babaeng nakilala ko sa Kish noong panahon na hindi pa dumarating ang aking visa. Sa lugar na iyon lang kasi kami maaaring mag-stay kaya kung wala kang pambayad sa hotel, kawawa ka. Mabuti na lang at may kapatid akong tumulong sa akin kaya masasabi ko na masuwerte ako. Kaya lang itong si Caren Dela Paz, kinailangang maging praktikal para hindi siya magutom at may matirhan habang hinihintay ang pagdating ng kanyang visa.

Hay, hindi ko maiwasan ang mapabuntunghininga nang maisip ko ang kanyang ginawa. Siyempre, nakipagrelasyon siya sa may-ari ng hotel para hindi mamatay sa gutom. Masama man ang ginawa niya, okay lang. Kaya nga lang sigurado siyang kapag nalaman ng pamilya niya ang kanyang ginawa, baka pandirihan siya. Mabuti na nga lang ay wala naman siyang asawa. Kaya wala siyang pagtataksilan. Iyon nga lang, napitas ng kung sino ang kanyang pagkabirhen dahil sa pangangailangan. Kaya nga raw kapag natapos gamitin ng arabo na iyon ang katawan ni Caren, naliligo agad si Caren habang umiiyak. Awang-awa kasi siya sa kanyang sarili. Hindi rin niya maiwasan ang mandiri. Biro mo, ibinigay niya ang kanyang virginity sa lalaking hindi naman niya mahal.

Dalawang buwan kasi siya sa Kish. Kaya kung hindi niya naisipan ang ginawa niya, baka ngayon ay patay na siya sa gutom tapos nagpapagala-gala ang kaluluwa dahil hindi matanggap na patay na siya. Kaya naman kasi siya nakipagsapalaran sa UAE ay dahil ibig niyang maiahon ang pamilya niya sa kahirapan. Gusto niyang maging mabuting anak at kapatid kaya todo-todo ang pagtatrabaho niya. Kahit nmn siya ang bunso, okay lang ang kanyang ginagawa, saka di na rin naman makakatulong ang kuya niya sa kanyang mga magulang dahil mayroon na itong pamilya. Ibig niyang ipakita sa kanyang pamilya kung gaano siya kabuting anak.

Pero, alam ninyo, hindi naman siya dapat na nag-DH. Ang in-apply-an naman kasi niya  talaga ay worker sa isang hotel. Ngunit, pagdating niya sa UAE, wala siyang papasukang trabaho dahil nga peke ang recruiter. Ewan nga lang niya kung dapat pa rin ba niyang ipagpasalamat iyong nakarating siya sa UAE. Iyon nga lang, dalawang buwan siyang nanatili sa Kish habang hinihintay ang kanyang visa.

Sa ngayon naman ay okay na ang kanyang buhay. Iyon nga lang DH lang ang kanyang napasukan. Kahit naman marangal itong trabaho, masakit pa rin talaga sa damdamin na niloko siya ng kapwa niya PIlipino para lang magkaroon ng pera.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here