OFW Love Story: Long Distance Relationship Turned Forever

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Posible nga bang tumagal ang isang Long Distance Relationship (LDR) para sa mga Overseas Filipino Workers(OFW)? Nagbe-break din ba sila eventually dahil di na rin kinakaya ang layo at lungkot? Para kay Kier Pascua, 35 years old, hindi lahat ng LDR ay sad love story. Read more.

Bago ko mainterview ko si Kier Pascua, hindi ko maipinta ang kilig sa mata niya habang binabasa ang text message galing sa misis niya na si Katrina. Pagkatapos niyang magreply dito, sabi niya sa akin “Kahit 10 years na kami ni misis kinikilig pa rin ako pag magkausap kami sa text. Siguro dahil hindi talaga nawala yung sweetness niya at sweetness ko sa kanya.” Di kalaunan, dumiretso na ang usap namin sa love story nila. Para lang kaming nagkukwentuhan dahil fresh pa sa memory ni Kier lahat.

“Paano kayo nagkakilala ni Kat?”

Nagkakilala kami online noon tapos tropa siya ng tropa ko. Magkaiba kami ng barkada pero may common friend kami na lalake. Nagsisimula nang mauso noon ang social media, at naging chatmates kami. Noong una mag-kaibigan lang kami at nakakausap ko lang talaga siya as a friend kasi kakabreak ko palang noon sa ex-girlfriend ko of 5 years. Sabi ko hindi muna ako manliligaw, pero kung may makakausap ako para di ako nalulungkot mas ok din. Si Kat yung lagi kong nakakausap noon. Nurse siya sa Pilipinas at Front Desk Clerk ako sa isang Hotel sa Dubai. Kapag gabi after work namin parehas, nagkakausap kami through video call. 4 hours lang time difference namin, pero sakto lang oras ng work shifts namin.

“Paano naging kayo?”

Sa totoo lang, 1 year ang lumipas bago namin narealize parehas na gusto na pala namin ang isa’t isa. Hindi kasi kami sweet nung umpisa dahil busy rin kami sa mga trabaho namen. Ayaw namin parehas na sweet sweet kami dahil baka masaktan lang kami dahil magkalayo kami. Pero sabi nga nila, kapag tumibok na ang puso mo, mahirap na pigilan. Nagsimula akong mainlove sa kanya noong tinuruan niya ako magdasal ulit. Nakalimot na rin kasi ako dahil lagi ko iniisip na wala namang pakielam ang Diyos sa akin dahil lagi akong iniiwan ng mga babaeng minamahal ko. Noong na-realize ko na nilalapit niya ako sa Diyos, mas napapalapit na rin ang loob ko sa kanya. Doon na nagtuluy-tuloy, sinimulan ko na siya ligawan.

“Ano ang challenges ninyo as a couple noon at paano ninyo yun niresolba?”

Noong umpisa, syempre mahirap dahil magkalayo kami at iba pa rin yung nayayakap mo siya at nakakasama. Pero naisip namin na malalagpasan din namin ang pagsubok na ito dahil seryoso naman kami sa isa’t isa. Hindi naman namin binalak kahit kailan na lokohin ang isa’t isa. Hindi nauso sa amin ang selos dahil sobrang nakakasira sa relasyon yun. Nagkaroon kami kumbaga ng goals. Inisip namin na kailangan namin pag-igihan sa trabaho at mag-ipon para sa future. Kapag naging stable kami parehas, eventually giginhawa rin lahat ng hirap namin. Hindi kami nagfocus dun sa mga bagay na ikakasira namin, katulad ng lungkot at selos.

“Ano ang payo mo sa mga OFW na may ka-long distance relationship?”

Always trust God. Make Him the center of your relationship and never worship other things other than Him, not even your wife. Si God dapat priority sa kahit anong relasyon, siya kasi magpapalakas sa inyo at magbibigay sa inyo ng pag-asa. Kapag dumepende kayo sa sarili ninyong lakas, wala, finish na.

And lastly, love and respect your wife all the time. Kahit nag-aaway kayo, wag mong hayaan na magtampo siya sayo. Lahat naman madadaan sa usap.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

SHARE
Previous articleANG MISTERYO TUNGKOL SA NEW JERSEY DEVIL (Ika-3 Bahagi)
Next articleMga Dapat Asahan Kapag Ka-date ang Taurus
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here