OFW LIFE: 2 Ultimate OFW Job Application Tips

1691

Gusto mo bang makaranas na ng greener pastures abroad? Naghahanap ka ba ng trabaho para makaahon ka na sa kahirapan? Syempre, kailangan ay maging maingat ka dahil baka sa huli ay lalo ka pang mabaon sa utang dahil sa pagkakabiktima sa isang illegal recruiter.

Isa pa, kung plano mong umalis ng bansa na isang undocumented worker nang hindi dumadaan sa legal na proseso (also known as TNT or Tago Ng Tago), posible kang mapunta sa kamay ng mga abusadong amo. Hindi mo rin ma-eenjoy ang proteksyon ng gobyerno at benepisyo ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Isa lang yan sa mga tips ko, basahin ang article na ito para makakuha ka ng mga payo kung paano ka makakapag-trabaho sa ibang bansa ng safe at secure.

1. Kilalanin ang POEA

Ang POEA o ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay isang attached agency ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagmamando sa overseas employment program ng Pilipinas. Sinisigurado ng POEA na ma-secure ang employment terms ng mga Pilipinong migrant workers sa pamamagitan ng pag-protekta sa mga karapatan nila sa patas at etikal na recruitment practices. Responsable din sila sa pag-regulate nang lahat ng recruitment agencies sa Pilipinas.

Dahil dyan, importante na kapag mag-aapply ka ng trabaho, ang agency na lalapitan mo ay dapat nakalista sa POEA. Kung hindi, mag-isip isip ka na dahil siguradong bogus yan.

Ang mga sumusunod ay ang ginagawa ng POEA:

a. Anti-illegal Recruitment and OFW Protection

-Pag-monitor at supervise ng recruitment at pagtao sa agencies

-Pag-issue ng lisensya para makapag-recruit at pagpasok ng overseas workers sa private recruitment agencies

-Pag-supervise ng anti-illegal recruitment program ng gobyerno at pag-conduct ng anti-illegal recruitment seminars nationwide

-Pagkalat ng impormasyon tungkol sa illegal recruiters, job scams, mga batas sa ibang bansa at iba pang overseas employment-related matters.

-Paninigurado na ang mga Filipino workers na pupunta sa ibang bansa ay protektado ang karapatan sa bansang pupuntahan (dapat ay certified sila ng Department of Foreign Affairs)

-Pagbibibgay ng repatriation assistance sa displaced na OFWs

b. Overseas Employment Facilitation

-Pag-accredit ng foreign employers na tumatanggap ng OFWs

-Pag-approve ng job orders at requests sa mga workers

-Pag-conduct ng pre-employment orientation seminars

-Pag-evaluate at proseso ng kontrata ng mga empleyado

c. Pagsulong ng mga batas ng Philippine Migration and Overseas Employment

-Pagkinig at paggawa ng mga desisyon sa mga kaso at reklamo na isinampa laban sa mga recruitment at manning agencies, employers, at OFWs sa mga lumabag ng POEA rules at regaluations (maliban sa mga money claims)

-Pag-pataw ng disciplinary actions sa mga employer at workers na lumabag sa Philippine migration laws at regulations

2. Mag-ingat sa mga modus operandi ng mga pekeng recruiting agencies

Signs ng mga pekeng recruiting agencies

-Magulo kausap ang HR ng kompanyang kausap mo

-Sinisingil ka ng malaking halaga ng pera para sa pagpoproseso ng mga dokumento mo

-Kapag nagtatanong ka ng tungkol sa processing ng application mo, mas madalas na sungitan ka kaysa sagutin ng maayos

-May magpapanggap pa na tao sayo at sasabihin na nakarating na siya sa ibang bansa, pero hindi talaga totoo. Malaman ay kasabwat siya.

SHARE
Previous articleAng Lihim Ng Mandurugo
Next articleKahulugan ng Panaginip 19
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.