OFW Genie : Si girl na-in love sa bading

3050

Mga katsismosa, eto nga pala ang istorya natin ngayon…

 Ako si Genie San Jose, hindi man ako ang genie na lumalabas sa bote pero nagawa kong tuparin ang pangarap kong magkaroon ng anak sa pinakamamahal kong bestfriend. (hihihi) Pasensiya ka na kung napahagikgik pa ako. Talaga naman kasing nakakatuwang isipin na magkakaanak na kami ng pinakamamahal ko.

Hindi naman lahat ng nag-u-OFW ay puro paghihirap ang nararamdaman dahil ako, super happy ang nararamdaman ko. Magkasama kasi kami ng bestfriend kong si Donatello sa iisang dorm para makamura kami. Ako ay nagtatrabaho sa isang shopping mall, siya naman ay sa beauty parlor.

Yes, tama ang nabasa mo. Ang bestfriend kong si Donatelo ay isang bading. Gayunpaman, labs na labs ko pa rin siya. Ewan ko ba, kahit lagi naman niyang sinasabi na Donna ang kanyang pangalan, hindi ko pa rin kayang tanggapin na bading siya. Siguradong kaya ganoon ay nakita ko naman talaga noon kung gaano siya kaguwapo. Kaya, ang ginawa ko, ginapang ko siya.

Maaaring marami nga ang magsasabi sa akin na malandi ako pero wala na akong pakialam. Basta ang importante sa akin, sinunod ko ang gusto ng puso ko. Kailangan ko rin naman ang maging happy at si Donatello lang ang makapagbibigay sa akin ng kaligayahan na matagal ko ng hinahangad. Kaya naman, nang makita kong lasing na lasing siya…siyempre, alam na ninyo ang nangyari kaya nga kami nakabuo.

Kung minsan talaga mas tunay na lalaki pa ang mga bading kaysa sa mga lalaki dahil ng sabihin ko kay Donatelo na nabuntis niya ako sabay pakita ng pregnancy test, ay mabilis pa sa alas-kuwatro na inalog niya ako ng kasal. Siyempre, hindi na ako tatanggi. Mahal ko si Donatelo at gusto kong bigyan ng kumpletong pamilya ang aming magiging anak.

Maaari ngang marami ang magtawa sa akin dahil kahit marami namang nanliligaw sa akin ay pinili ko pa rin si Donatelo. Siyempre, hindi naman natuturuan ang puso. Mahal ko si Donatello. Ibig kong makasama siya palagi at wala na akong pakialam kung babae man ang puso niya. Basta ang nais ko mapaglingkuran siya. Ganito nga yata talaga ang pag-ibig, nakakabaliw.

Siguro naman ay nagmamahal ka rin naman kaya dapat ay nagagawa mo rin akong intindihin. Kung wala ka namang magandang sasabihin, huwag ka na lang magsalita. Basta ang importante ay happy ako. Siguro naman ay hindi ka magiging maramot na ibigay sa akin ang kaligayahan na iyon. Kungsabagay, para naman sa akin ay si Donatelo lang ang nagmamay-ari ng puso ko.

More OFW articles