NUMEROLOGY 27

Latest posts by Senor Socrates Magnus (see all)

From AN-Noor Mamadra Benito – Benito,

    Ako po, RH-5 Don E.Sero ,2nd st.Cotabato city.

Saiyo AN-Noor,

       Ang numerology  mo ay nagsasabing  ikaw ay “The Queen But Like A King.”

Kaya kahit saang lugar na mapunta, ikaw ay susundin at  igagalang. Ang ang nakakatuwa saiyong  kapalaran ay nagsasabing ang  hindi sumunod saiyo ay aani ng  pangit na mga pangyayari  pero ito ay kung sasama lang naman ang loob mo sa kanila.  

        Dahil ayon saiyong  numerology , simula ng ikaw ay isilang ay  taglay muna ang  bisa ng sinabi ng Dakilang Manlikha  na, “Ang pamamahala at ang pamumuno ay nakaatang sa balikat mo.”

   Ito rin ay nagsasabing  hindi pwede na mapunta ka sa mababang kalagayan ng buhay at kung hindi sinasadya na ikaw ay bumaba ang kalagayan, kikilos ang iyong kapalaran ay ilalagay ka sa itaas.

   Kaya nga ang magtatangkang “ PUT YOU DOWN”  ay mabibigo at mapapahiya. And much better para sa kanila ang gandahan ang pakikisama saiyo.

   Magkaganunman, dahil sa sobrang mataas ang iyong  personalidad, ikaw ay pinapayuhan na maging maunawain sa kapwa mo , sa mga kaibigan mo at lalo na sa mahal mo.

    Kaya  may salitang  “lalo na sa mahal mo” ay dahil kailangan ding iyong malaman na ang  madalas na magiging dahilan ng  posibleng  paulit-ulit na-break-up ay ang  nadadama ng mahal mo na sobra  ka ng mataas at ikaw na lang lagi ang dapat na masunod.

      Unawa ang hindi dapat na sa tao ay mawala!  Ito ang  nasa likod ng nakasulat sa Banal Na Aklat na  nagsasabing , “ Wisdom is the primary thing , so in all your getting, get UNDERSTANDING.”

   Kaya kahit pa ang tao ang pinakaraming alam ,pinakamatalino, pinakamagaling  , kailangan pa rin niya na siya ay marunong umunawa sa kapwa.     

        Huwag mong kalimutan ang mga salitang nasabi , itanim mo sa isip mo, ikuwintas mo sa dibdib mo at iuukit mo sa puso mo  dahil  , ito na ang  SEKRETO NG KAPALARAN na susi rin para saiyong kaligayahan.

                               @@@@@

From Junjun Harold Nalyn,

    Sakin po , Blk 107 .Lot 36 ,Phs 7. Ano po ang meanings?

 Saiyo Junjun,      

     Ang numerology mo ay nagsasabing masyadong makulay ang life mo. Para mas malinawanka ang makulay ay maraming kulay , kaya huwag mong  isipin ang nasa isip ng iba na ang makulay ay laging masaya  lang ang buhay.

   Dahil  ang isa pa sa lumabas na pag-aaral saiyong numerology ay nagsasabing ,oo ,masaya ang life mo pero deep inside ay malalim ang lungkot mo.

     Magkaganunman,  ang  isa sa maganda sa numerology mo ay nagsasabing  higit kaninuman  ang tsansa mo na yumaman ay nakalaki at ang  yaman mo ay  hindi lang ikaw ang makikinabang kundi ang mga mahal mo rin sa buhay.

         Dahil  dito, mamahalin ka nila at tatanawin nila ng lubos na pasasalamat ang mga biyayang magmumula saiyo. Good Luck and God Bless.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

 

2 COMMENTS

  1. Hello po Senior ittanong ko lng po sana ung tungkol sa numerong 4 kpg lagi nggng parte n ng buhay mo…mdls kc n nggng bhgi n ng buhay ko o nauugnay sakin ang numero n un lalo n samin ng partner ko kpg mgkasama kami…anu po b ang kahulogan nito para sa akin at sa amin pwd ko po mahinge ang inyong paliwanag Senior ??
    Salamat po sana mapansin po ninyo….

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here