NUMEROLOGY 25 BY SENYOR SOCRATES MAGNUS

0
290

Latest posts by Senor Socrates Magnus (see all)

From Vinniel Zygller,

   Ako po ay sa Poblacion, Norte Maddela,Quirino po!

                   Vinniel.

Saiyo Vinniel,

          Ang numerology ng iyong user’s name ay Numero Uno.

          Dahil dito  sobrang darami ang mga kaibigan mo sa lugar na iyong binanggit. At kapag sobra ang dami ng kaibigan, nahihirapan ang tao dahil na rin sa mga marami sa kanila ay pabigat lang saiyo.

    Magkaganunman ikaw ay masasabi pa ring masuwerte dahil ang mismong mga suwerte ay kusang naglalapitan saiyo .

    Kaya ang payo , piliin mo lang ang mga kaibigan na iyong  seryosong pakikisamahan ,kumbaga, kung sino lang talaga ang magpapasaya saiyo sila lang ang  ituring mong mga True Friends mo.

       Pinag-iingat ka  kung kalusugan ang pag-usapan na mga sakit na may kinalaman sa heart o sakit sa puso. Dahil dito, iwasan mo ang mga pagkain na magpapahina saiyong heart.

   Inagatan mo rin na mahulog ang loob mo sa mga kaawaan mo at mga tutulungan dahil ang True Love ay  hindi ang naawa at nainlove.

                @@@@@@

Saiyo Dhie Loquez Lawag ,

      Ang numerology ng user’s name mo at ang  address mo na 846 Acetonas Tatala Binangonan ,Rizal ay nagsasabing , 186 ang numerolgy mo.

    Na ang  kahulugan ay daraan ka sa maraming pagsubok sa buhay . Hindi lang maliliit na hamon ng kapalaran ang iyong makakasagupa na kung sa iba mangyari ay susuko na sila.

   Ang lahat ng iyo  ayon sa numerology mo ay malalagpasan mo kumbaga, ikaw pa rin ang magtatagumpay, kaya ang paghanga saiyo ng mga tao ay ganun na lamang na sasaluduhan ka at kikilalanin.

      Pero may isang hiwaga sa life mo at ito ay nagsasabing simple lang naman ang naging sandata mo sa buhay na nagsasabing sa kabila ng maraming unos sa life mo ang hindi ka nawalan ningas ng pag-asa na kung saan ay nadadama mo na makakayanan mo rin naman ang lahat ng ito.

   Dahil ang Hope ay namalagi saiyo may  gifts  from above na mapapasaiyo ,tulad ng magkakaroon kang kabuhayan, mga lupain , mga taniman at mga ari-arian na sobra sa para saiyo na mamana pa ng mga mahal mo sa buhay.

  Kaya nga  ang  nakakilala saiyo ay maniniwala na kapag pala matiisin ang isang tao siya ay  pinagpapala at  binibigyan ng marming biyaya.

   Dahil dito,nakatakdang gawin kang huwaran ng mga tao, inspirsayon ang  hatid mo sa buhay ng marami at gagawaran ka ng medalya ng pagkilala.

      Kaya ang payo ay nagsasabing  lagi at lagi kang magpapasalamat sa Dakilang Manlilikha dahil sa magandang  kapalaran naipinagkaloob saiyo.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here