NUMEROLOGY 14 NI SENOR SOCRATES MAGNUS

0
239

“ SUCCESS is simply Bravery and Courage- Ang Numerong Nine (9.)”

 

Pansinin mo  , dito sa mundo ang  nagtatagumpay lang ay ang  buo ang loob at ang may tapang.

Pansinin mo dito sa mundo ang mga duwag, mahihina ang loob, ang mapag-alinlangan at ang ayaw harapin ang mga hamon ng  kapalaran ay mga bigo sa buhay.

Kung sabagay paano nga ba  ,  magkakaroon ng succesful life ang walang lakas na lumaban sa laban ng kanilang buhay.

Pero may sulusyon ba  para sa mga takot na makipagsapalaran?  Syempre, mayrooon! Ano?

Simple lang at ito ay ang lagyan mo ng Numerong Nueve ang buhay mo. Ganun lang. Madali lang. Sino –sino ngayon ang  mga Taong Nueve , ang mga  may bitbit na number 9.

1)      Ang mga isinilang sa petsang ika -09, 18 at 27sila ay mga Taong Nueve.

2)       Taong Nueve rin ang lahat ng isinilang sa Zodiac Sign na  Aries at Scorpio.

3)       Ang maraming nunal sa face or mukha, sa braso at sa hita.

4)       Makapal ang hair  sa head at sa taong bahagi ng katawan.

5)      Mahilig sa sports o palakasan , o ang mga taong may kaugnayan sa sports.

6)       Mga militar at  kapulisan ,kasama rin ang mga may propesyon na naka-uniform n malitar.

7)      Mahilig mag-ingat o may koleksyon ng mga armas , baril at iba pang sandata or patalim.

8)      May malalaking ambisyon sa buhay at alam nila kung ano ang pagkakaiba ng salitang pangarap at salitang ambisyon.

9)      Hindi sumusuko sa anumang laban ng kanilang buhay.

Kapag nadikit ka sa kanila ,ikaw rin ay tatapang dahil ito rin ay isang hiwaga sa kanilang personalidad na ang kanilang tapang at  pagkakaroon ng lakas ng loob ay nakakahawa.

a)Kaya kung hindi mo magawa ang gusto mo, kumuha ka ng Taong Nueve.

  1. b) Kaya kung  alam mong duwag ka , Taong Nueve ang kasagutan sa iyong karuwagan.
  2. c) Kaya  ang malalaking proyekto mo para magawa mo, Taong Nueve ang kailangan mo.
  3. d) Gusto bang yumaman, yon totoong yaman ,yon maraming  kang kabuhayan ,  Taong

Nueve ang  iyong pwedeng makaagapay.

Ano pa ang hihintay mo?  Muli,  simpleng dumikit ka lang sa Taong Nueve ay tiyak na

makakabahagi ka ng tapang at lakas ng kalooban.

Ang Taong Nueve ang kakalag sa iyo sa tanikala ng pagkakaalipin mo sa hirap ng buhay.

Huwag mong sayangin ang  mga oras at araw mo sa kahanap ng  paraan para

magkararoon ka ng successful life. Hindi na kailangan pang umatend ka  sa mga suminar na nambobola lang at  nangangakong  gaganda ang buhay mo kapag nakinig ka sa mga kanilang mga life coaches.

At  ang isa pang bagay na kailangan mong malaman,  hindi mo na rin kailangan pa ang mga  medelyon, agimat , anting-anting , bulong o orasyon para sa layuning mong  ikaw ay yumaman.  Dahil ang  Taong Nueve mismo ang magdadala saiyo  sa kung saan ay magkakaroon ka ng  masaganang buhay.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here