Night Fun in M-A-N-I-L-A

0
141

Latest posts by Angel Jhanna Dela Cruz (see all)

Marami sa atin ang talaga namang mas gustong gumala o mamasyal sa gabi hindi lamang dahil sa init ng araw sa umaga kundi dahil na rin sa mga trabahong sa araw ay ating pinagtutuunan ng pansin, at kung minsa’y ang panghihinayang narin na hindi makapasyal o makapag palipas oras man lang.

Patok na pasyalan sa Manila tuwing gabi o madaling araw

  • Bonifacio Global City, Taguig
     – Hindi maikakaila na BGC ang isa sa mga pinakamagandang pasyalan mapa-araw man o gabi, ang mala “New York” na paghahambing rito ng karamihan ay makikita sa mismong lugar. Napakaraming nagtataasang mga gusali, napakalawak na mga parke at ang kalinisan ng lugar ang talaga namang bibihag sa iyong mga mata. Bukod sa mga museo na matatagpuan sa lugar, meron ring mga malls, parke, at sinehan na bukas sa lugar hanggang madaling araw. At syempre, hindi mawawala ang mga clubs at bars para naman sa mga naghahanap ng pampalamig o pampainit ng sikmura.

  • Poblacion, Makati
     – Kung murang mga inuman at pakikipagkaibigan naman ang hanap mo, maraming maipakikita ang Pobla o Poblacion sa iyo. Dati na rin itong binansagang red light district. Dahil na rin sa dami ng mga foreigner o may lahing makikita rito gayun na din ang mga klase ng inuman rito kaya naman nagging kilala ang lugar. Halos puno ang ilang mga bars rito tuwing Biyernes o kaya nama’y weekends. Magandang puntahan ang lugar na ito lalo ng kung nagpaplano kayo ng mga barkada mo na magpalipas oras o kaya’y makalimot sa trabaho’t problem ng kahit panandalian lamang.

  • City of Dreams Manila
     – Ito naman ay isa sa napakalawak na pasyalan sa Manila, sakop nito ang halos tatlong naglalakihang mga hotel at casino sa Manila, ang Crown Towers Hote, Nobu Hotel at ang Hyatt Hotel. Casinos, bars, clubs at iba’t ibang atraksyong pampamilya ang maaari mong galaan rito, mayroon ding mga ktv at lounges na maaaring puntahan. Pwedeng pwede mong ikutin ang lugar ng hindi mo na kinakailangan pang lumabas.

  • St. Francis Square, Bank Dr, Ortigas Center, Pasig
     – At kung ang nais mo naman ay chill at shopping lamang, nariyan ang St. Francis night market para sa iyo. At hindi rin ito mabigat sa bulsa dahil maraming bazaar at friendly stalls ang makikita sa lugar kung saan maaari ka pang makahingi ng tawad at maging suki ng lugar.  Patok rito ang mga fashion items, bags, mga gadgets na mura at swak na swak sa budget.

  • Divisoria
    – Tiangge, tingi, gala at murang shopping ba ang hanap mo? P’wes hindi  papahuli ang Divi sa listahan. Hindi man 24 hrs bukas ang mga malls roon gaya ng 999, 168 at iba pa ay marami namang magdamag ay bukas sa mismong Divisoria, napakaraming bazaar at stalls roon na iyong pamimilian sa mga napakamurang halaga, at kung marami pa ang iyong bibilhin ay talaga naman kaya mo pang makipagtawaran. Kung magutom ka man ay street foods ang sasagot sa gutom mo. Paalala lamang na laging ingatan ang mga importanteng kagamitan lalo na sa daan.   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here