Negatibong Karakter Ng Virgo

0
505

Latest posts by Madame Yna (see all)

JUDGEMENTAL

Sa isang tingin pa lang ay alam na ng isang Virgo kung paano ka niya huhusgahan. Mula sa hubog ng iyong mukha, porma ng iyong kasuotan , simpleng pananalita at simpleng pagkilos. Sabihin man niya o hindi ay nahusgahan ka na niya base sa ipinakita mo sa kanya o nakita niya mula sa’yo. Hindi niya alam ang salitang konsiderasyon sa mga sandaling nagbibitaw na siya ng salita sa isang tao.

STUBBORN

Sadyang may katigasan ang ulo ng isang Virgo. Alam niya kasing matalino siya at may kakayahan siyang alamin anuman ang nais niyang malaman. Maglalaan siya ng oras para sa pagtuklas nito. Para sa kanya, may sarili siyang pag-iisip at walang sinuman ang makakapagdikta sa kanya sa nais niyang gawin o isipin. Siya ang tipo ng tao na hindi marunong makinig kahit pa magkamali siya.

OVER THINKER

Hindi madaling makalimot ang isang Virgo. Kaya naman once na siya ay magkamali at makaranas ng kabiguan, kahit malampasan na niya ito ay babalik balikan pa rin niya ito sa kanyang isip hanggang sa makaapekto na ito sa kanyang kasalukuyan. Kahit nagiging OA na ang dating sa iba ay wala siyang pakialam. Hindi niya nakokontrol ang sarili para palampasin sa kanyang isipan ang mga bagay na hindi na dapat pang binibigyan ng halaga o hindi na dapat pang iniisip nang paulit-ulit.

CONSERVATIVE

Hindi naman negatibong karakter na maituturing ang pagiging konserbatibo. Nagiging negatibo lamang ito kung wala na sa lugar. Ang pagiging conservative kasi ng Virgo ay yung tipong hindi niya tatanggapin ang ideya ng iba dahil hindi siya nakakakilala ng modernong ideya. Yung para sa kanya ay hindi maganda ang dulot ng mga makabagong teknolohiya at wala itong magandang naidudulot sa tao. Para sa kanya, hangga’t maaari ay nais niyang magkaroon ng kasiguruhan ang lahat nang walang maaapektuhan nang hindi maganda.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here