Negatibong Karakter Ng Taurus

0
244

Latest posts by Madame Yna (see all)

TAMAD

Tunay ngang mahaba ang pasensya ng isang Taurus na hintayin ang kanyang kapalaran o ang tamang pagkakataon para sa kanya kaya naman at the same time ay pinaghaharian din siya ng katamaran. Kakailanganin pa niya ang inspirasyon at motibasyon bago niya magawa kung ano talaga ang gusto niyang gawin. Kung wala ang mga ito ay mahihirapan siyang paghariin ang kasipagan sa kanyang katauhan.

SOBRANG TIWALA SA SARILI

Sa kabila ng katamaran ng isang Taurus, once naman na siya ay sumpungin na ng sipag, asahan mo na magiging very active siya at kikilos siya ng parang alam niya ang lahat o sobrang dami niyang alam. Malaki ang tiwala niya sa kanyang sarili to the point na kung minsan ay nahihirapan na siyang magtiwala sa iba. Once na mai-set na niya ang goal niya ay tutuparin niya ito ayon sa paniniwala niya at wala siyang ibang planong susundan kundi ang plano na siya mismo ang gumawa.

MATERIALISTIC

Kung pagiging materialistic naman ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang Taurus dyan. May pagkamahilig din siya sa magagandang bagay at kadalasan ay gusto niya ang mga antique. Mahilig siyang mangolekta ng maganda sa kanyang paningin. Sobra rin niyang naa-appreciate kung siya ay makakatanggap ng regalo na isang gamit na may value sa kanya.

SELOSO/SELOSA

Ito ang isa sa hindi magandang karakter ng Taurus. Ang pagtingin niya sa kanyang karelasyon ay parang isang bagay na kanyang pag-aari. Para sa kanya, ang kay Juan ay para kay Juan at ang kay Pedro ay para kay Pedro. Huwag ka nang magtangkang kunin o agawin ang kanya dahil hindi niya ito magugustuhan. Tingin pa lang ay malalaman mo na agad kung siya ay nagseselos. Naniniwala siya sa kanyang kutob at kapag siya ay kinutuban umasa kang guguwardyahan ka na niyan o kaya naman ay palihim na oobserbahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here