Negatibong Karakter Ng Scorpio

0
315

Latest posts by Madame Yna (see all)

JEALOUS

Kung may best jealous award, malamang ay Scorpio ang magkamit nito among zodiac signs. Once na ikaw ay makipagrelasyon sa isang scorpion, kailangang maging handa ka sa pagiging possessive niya. Feeling niya ay pag-aari ka niya. Sulyap mo pa lang sa iba ay may kahulugan na sa kanya. Kaya para walang issue ay iwasan mo ang mga tao na alam mong pinagseselosan niya o kung di man pwedeng iwasan , halimbawa ay ang boss mo sa trabaho, siguraduhin na limitado lang ang magiging ugnayan mo rito.

IMPATIENCE

Konti lang ang pasensya ng isang Scorpio. Hindi mo siya pwedeng paghintayin ng matagal o hindi mo siya pwedeng asarin nang walang humpay dahil papatulan ka niya.Siya yung tipo ng tao na hindi man agad makuha ang gusto ay alam naman niyang may kasiguruhan ito. Hindi siya maghihintay para sa wala dahil nga maigsi ang kanyang pasensya.

SECRETIVE

Hindi mo basta basta makukuha ang tiwala ng Scorpio. Mahirap para sa kanya ang magtiwala sa kung sinu-sino lalo na yung hindi niya masyadong kilala. Kung sa mga pinakamalalapit na tao nga sa buhay niya ay nahihirapan siyang magtiwala doon pa kaya sa bago lamang niya kakilala. Hindi open book ang buhay niya. Kahit pa gusto ka niya ay hindi niya agad ibibigay ang tiwala sa’yo. Kung minsan kahit na magkarelasyon na kayo ay mahihirapan ka pa ring basahin kung ano ang tunay na nasa isip niya.

SENSITIVE

Taglay din ng Scorpio ang pagiging sensitibo. Kailangan mong maging maingat sa bawat salitang bibitawan mo sa kanya gayundin sa mga kilos na ipapakita mo dahil sa anumang paraan maski na hindi mo sinasadya ay maaari mong masaling ang kanyang damdamin. Mabilis siyang masaktan kahit pa gaano kababaw para sa’yo ang salitang nabitawan mo. Dahil sa karakter na ito ay iwas ang scorpio sa mga tao na alam niyang makakasakit lamang sa kanya. Hindi rin niya gugustuhin na ma-stress siya dahil sa pagiging sensitibo niya.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here