Negatibong Karakter Ng Sagittarius

945

Latest posts by Madame Yna (see all)

Kung maraming positibong karakter ang Sagittarius, meron din siyang mga negatibong pag-uugali. Narito ang mga negatibong karakter ng isang Sagittarian.

SOBRANG TIWALA SA SARILI

Malaki ang tiwala ng Sagittarius sa kanyang sarili. Naniniwala siya na kaya niyang gawin ang isang bagay kung pagtutuunan niya ito ng pansin. Naniniwala rin siya na sa sobrang ingat niya sa buhay ay hindi siya makakagawa ng pagkakamali na siyang nagiging dahilan mismo para siya ay magkamali. Mas pinaniniwalaan din niya ang kanyang sarili kaysa sa ibang tao.

MAIGSING PASENSYA

Bagamat ang Sagittarius ay may malaking puso, ang kanyang pasensya ay hindi kasinglaki nito. Lalo na sa mga taong alam niyang hindi magandang impluwensya o yung mga taong naghahatid lamang ng negative vibes sa kanya. Kapag napasubo siya sa sitwasyong hindi maganda kasama ang mga taong ito ay napuputol agad ang pisi ng kanyang pasensya.

MARAMDAMIN

May pagkamaramdamin din ang isang Sagittarian. Kapag naramdaman niya na hindi siya welcome sa iyo ay agad siyang didistansya. Kapag may nasabi ka ring hindi maganda patungkol sa kanya, labis ang kanyang magiging pagdaramdam.

MASIKRETO

Mapagkakatiwalaan mo sa pagtatago ng iyong sikreto ang isang Sagittarius pero may mga sarili rin siyang sikreto na kahit anong gawin mo ay hindi niya ipapaalam sa’yo. Lalo na kung ito ay may kinalaman sa hindi maganda niyang karanasan sa nakaraan. Hindi niya ito gugustuhin buksan o pag-usapan. Mapaglihim din siya sa mga bagay na ayaw niyang malaman mo kahit pa ikaw ay malapit sa kanya. Dahil sa karakter niyang ito ay lilipas muna ang ilang araw bago mo mapansin sa kanyang pagkilos na siya pala ay nagtatampo na sa iyo.

TAKLESA

Sa kabila ng kanyang pagiging masikreto sa mga bagay na gusto niyang makalimutan ay taglay naman niya ang katapatan at dala ng kanyang pagiging matapat ay hindi niya alintana siya man ay makasakit ng damdamin basta’t masabi lang niya ang nais niyang sabihin. Iniisip niyang ito ay para sa ikakabuti mo kahit pa ang totoo, ikaw ay nasasaktan na.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here