Negatibong Karakter Ng Pisces

238

Latest posts by Madame Yna (see all)

ESCAPIST

Ang pagtakas sa realidad ang kalimitang paraan ng isang pisces upang maiwasan ang problema. Sa oras na siya ay malagay sa alanganing sitwasyon, maghahanap siya ng masisisi at wala siyang balak na harapin ito. Mas gusto niyang iwanan ang problema kaysa resolbahin ito. Hindi siya mahilig sa komprontasyon. Hangga’t maaari ay iniiwasan niya ito at sa halip ay ibinabaling niya ang atensyon sa ibang bagay.

LAZY

May posibilidad na maging tamad ang isang pisces kung hindi niya gustong gawin ang isang bagay. Masipag lang siya kung interesado siya rito. Kaya kung meron kang ipapagawa sa isang pisces at alam mong hindi niya ito linya, ‘wag kang umasa na magagawa niya ito ng tama o magagawa niya ito agad, o baka nga hindi talaga niya ito magawa. Sadyang mabigat ang katawan niya sa mga bagay na wala siyang interes.

STINGY

Akala mo lang laging walang pera ang isang pisces, ang totoo ay hindi siya nawawalan o madalang siyang mawalan. Ang dahilan nito ay ang kanyang pagiging stingy. Hindi naman sa totally pagiging kuripot, marunong lang siyang humawak ng pera. Alam niya kung kailan dapat gumastos at hindi. Alam din niya ang dapat niyang iprayoridad sa kanyang budget. Although may pagkakataon na nagiging impulsive buyer siya, pero mas madalas pa rin na mahigpit ang hawak niya sa pera lalo na kung alam niyang may paparating na pagkakagastusan.

EMOTIONAL

Hindi rin naiiwasan ng pisces ang kanyang pagiging emosyonal. Kung sa problema nga ng ibang tao ay naapektuhan siya ay sa sarili pa kaya niyang problema. Lalo na kung ito ay may kinalaman sa kanyang mga mahal sa buhay. Madali siyang maapektuhan dahil mababaw ang kanyang damdamin. Malambot ang kanyang puso. Sobra siyang sentimental.

PESSIMISTIC

Sa kabila ng kabutihang loob ng pisces, iba rin siyang mag-isip kapag ang mga pangyayari ay hindi umayon sa kanyang kagustuhan o sa kanyang inaasahan. Madali siyang mawalan ng pag-asa. Sa mga pagkakataon na nabibigo siya ay mas nakikita niya ang negatibong side kaysa positibo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here