Negatibong Karakter Ng Libra

0
347

Latest posts by Madame Yna (see all)

UNRELIABLE

Easy going lang ang isang Libra pagdating sa peace of mind na hinahangad niya. Hindi siya yung tipo na iistressin ang sarili para lang magkaroon ng kapanatagan. In fact, wala siyang paki kahit pa dumaan siya sa butas ng karayom, iisipin pa rin niya na madali lang ang lahat at in the end ay magiging maayos din ang lahat. Pero huwag kang masyadong makampante, dahil anytime ay nagbabago ang isip niya, depende sa kanyang mood, may posibilidad na ang mga pangakong binitawan niya sa’yo ay hindi magkaroon ng katuparan. Posible rin na makompromiso ang mga sikretong ipinagkatiwala mo sa kanya.

UNEMOTIONAL

Sa kabila ng pagiging romantic ng Libra, mabibigla ka dahil kulang pala siya sa emosyon. Halimbawa ay napasok siya sa isang sitwasyon na mabigat, may tendency na hindi mo mahulaan kung ano ang kanyang nararamdaman o iniisip dahil wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mukha at kilos. Hindi dahil sa magaling siyang magtago kundi dahil may mga oras lang talaga na nagiging bulag siya sa kanyang sariling emosyon.

TROUBLE MAKER

Hindi man sinasadya ay madali talagang makapagcause ng trouble ang isang Libra. Gaano man siya ka-cool, sa isang iglap ay maaaring magbago ang kanyang mood depende sa sitwasyon at sa mga taong kanyang kaharap. Kapag may sinabi kang hindi maganda laban sa kanya o sa sinumang mahal niya sa buhay ay mabilis na iinit ang ulo niya. Hindi ka niya sasang-ayunan kahit pa alam niyang tama ka. Ganoon din kapag may nakita siyang mali sa sitwasyon. Kadalasan ay nakakapagcreate siya ng trouble nang hindi niya namamalayan.

SELF-INDULGENT

Mahilig sa material na bagay ang isang Libra. Ang magkaroon ng mga materyal na bagay na nais niya ang isa sa mga paraan niya para hindi kaawaan ang sarili. Ito ang nakakapagcomfort sa kanya lalo na sa mga panahon na nakakaramdam siya ng kalungkutan.Wala siyang pakialam kung meron mang maapektuhan basta’t maibigay niya sa sarili ang kanyang pangangailangan at sariling kagustuhan.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here