Negatibong Karakter Ng Leo

0
105

Latest posts by Madame Yna (see all)

FRANK

Huwag mong hamunin o i-provoke ang isang Leo dahil sasabihin niya kung ano ang gusto niyang sabihin. Gagawin niya kung ano ang gusto niyang gawin. Kung ikaw ay isang kaibigan na pasaway at may katigasan ang ulo, asahan mo na makakarinig ka ng mga straightforward na salita mula sa kanya. Hindi ka niya pagbibigyan sa kung ano lang ang gusto mong marinig, sa halip ay didiretsuhin ka niya sa gusto niyang iparating sa’yo para sa ikabubuti mo. Ang hindi maganda sa ugaling ito ay she never taste her words before spit them out.

EGOISTIC

Kung ego ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang Leo. Ayaw niya na natatapakan ang ego niya. Meron siyang prinsipyo at mataas na pride kaya’t huwag mo siyang sasalingin dahil malaki ang chance na talikuran ka niya for the sake of her or his ego. Kung minsan ay nagiging dahilan din ito para hindi niya magawa ang nais niyang gawin at hindi niya maabot ang kanyang pangarap.

VERY JEALOUS

Hindi nagseselos ang Leo kung walang dahilan. Once na maramdaman niya ito, sigurado na meron itong pinagmumulan at may matibay siyang basehan. Kadalasan ay tama ang instinct ng isang Leo lalo na pagdating sa kanyang buhay pag-ibig. Sa mga kilos mo pa lang at pananalita ay maaamoy na niya kung meron kan itinatago at hindi niya maitatago sa harapan mo kapag siya ay nagseselos. Ipamumukha pa niya ito sa’yo.

ARROGANT

Hindi naman sa lahat ng oras o hindi rin madalas, pero may mga pagkakataon talaga na lumalabas ang pagiging arogante ng isang Leo depende sa taong kanyang kausap at kaharap. Kung papakitaan mo siya ng hindi maganda, humanda ka nang makaharap ang tunay na bangis ng isang Leo. Take it or leave it ang magiging drama mo. Mas malamang na hindi mo makayanan ang mga salitang maririnig mo sa kanya. Hindi niya itatago ang kanyang pagiging arogante sa harapan mo para maipakita sa’yo na hindi mo siya kaya.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here