Negatibong Karakter Ng Gemini

0
102

Latest posts by Madame Yna (see all)

PABAGO-BAGONG ISIP

Matalino ang Gemini to the point na every minute ay pwede siyang makaisip ng bagong ideya. Kaya naman hindi mo siya maaasahan na magstick o magfocus sa isang bagay o plano. Wala siyang consistency. Kung siya ang makakagrupo mo sa trabaho, umasa ka na anytime ay pwedeng may mabago sa plano ng inyong proyekto. As long as may dumadaloy pang mga bagong ideya sa kanyang utak ay malaki ang posibilidad na palaging magkaroon ng change of plans. Dahil ang Gemini ay twin zodiac, kaya madalas ay nagsasalawahan siya sa kanyang mga pasya, nagtatalo ang kanyang isip.

IMPULSIVE

Dahil sa pagiging flexible ng Gemini, awtomatikong magpalit ang kanyang desisyon in a second. Kung minsan ay hindi ito nakakatulong sa kanya lalo na kung siya ay maiimpluwensyahan lamang. Kung may kasama siyang impulsive buyer ay malaki ang tendency na lumabas din ang pagiging impulsive niya. Sa gitna ng kanyang kagipitan ay maaari siyang makagastos para sa isang walang kwentang bagay o sa bagay na hindi naman niya masyadong kailangan. Kung minsan ay hinahayaan niyang mangyari ito huwag lamang siyang mapahiya sa kanyang kasama. Kung expenive pa ang binili nito ay ipapakita niya na kaya rin niya itong bilhim.

IRRESPONSIBLE

May pagka-iresponsable kung minsan ang isang Gemini. Dahil kilala siya sa kanyang pagiging flexible at impulsive, huwag kang magtaka kung sa last minute ng usapan nyo ay magbago ang isip niya. Wala siyang pakialam sa kalalabasan nito. Kahit pa maging dahilan ito ng hindi nyo pagkakaintindihan, pag ayaw niya, ayaw niya at hindi mo siya mapipilit. Pwede siyang bumawi sa’yo sa ibang araw pero nakadepende pa ito sa mood niya kung kailan niya gusto.

MAPAG-USISA

Kapag may gustong malaman ang isang Gemini, hindi siya titigil hangga’t hindi ito natutuklasan. Mababaw man o malalim. Once na may makita siyang usok ay tutuntunin niya ang apoy nito. Mag-ingat ka lamang sa mga sikretong iyong ibubunyag, dahil may tendency na masabi rin ito ng Gemini sa iba lalo na sa ka-close niya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here