Negatibong Karakter Ng Capricorn

255

Latest posts by Madame Yna (see all)

MOODY

Isa sa mga hindi magandang karakter ng capricorn ay ang pagiging moody nito. Kung nakikita mo man siya ngayon na masaya at nagpapatawa, sa isang iglap ay pwedeng magbago ang kanyang mood at biglang maging masungit o kaya ay mailap. Depende ito sa sitwasyon at sa mga taong makakaharap niya. Anytime ay pwedeng gumanda o pumangit ang kanyang pakiramdam.

STUBBORN

Ang capricorn ay palaging nag-iisip na anuman ang kanyang maging desisyon ay tama. May pananalig siya sa kanyang sariling pagpapasya kaya kung kokontrahin mo siya ay asahan mo na, na hindi maganda ang magiging timpla niya sa’yo. Ayaw na ayaw niya na nagpapasakop. Hindi niya gusto ang ideya na dinidiktahan o minamanduhan . Para sa kanya may sarili siyang kakayahan at nagtitiwala siya sa kanyang mga gawa.

DETACHED

Hindi siya madaling ma-attached sa mga tao. Kaya niyang kontrolin ang kanyang emosyon para hindi maging attached sa isang tao lalo na kung wala naman siyang nakikitang malalim na dahilan para magkonekta sa kanila. Takot siyang masaktan kaya’t mas pipiliin niya na huwag mapalapit sa kahit na kanino. Maliban sa kanyang pamilya ay wala na siyang ibang gustong maka-close. Dahilan din ito para maging mapili siya sa mga kaibigan.

SHY

Dahil may determinasyon at disiplinado, aakalain mo na hindi mahiyain ang isang capricorn. Ang totoo ay mahiyain talaga siyang tao. Bagamat alam na niya kung ano ang direksyon na tatahakin niya, pagdating sa self confidence kadalasan ay kinakapos siya. Hindi siya yung tipo ng tao na agad ioopen up sa iba ang nasa isip niya kahit pa ito ay isang great idea sa palagay niya.

Introvert

May pagka-introvert din ang capricorn. Obviously ay hindi niya gustong makisalamuha sa maraming tao. Mas nag-eenjoy siya kapag siya ay nag-iisa. Magaan ang pakiramdam niya sa mga oras na nagkakaroon siya ng katahimikan. Kaya kapag nakita mo ang isang capricorn na mag-isa lang sa kanyang kuwarto ay wala kang dapat ipag-alala, kaya niyang maging masaya all by himself sa loob ng maghapon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here