Negatibong Karakter Ng Aquarius

220

Latest posts by Madame Yna (see all)

ALOOF

Mas madalas kaysa hindi na mas naeenjoy ng Aquarius ang kanyang pag-iisa kaysa makihalubilo sa mga tao lalo na kung hindi niya kursunada ang mga ito. Bagamat nais niya ng mga pagkakawanggawa ay umiiral din sa kanya ang pagnanais niya ng katahimikan na nakakamit lang niya sa tuwing tahimik ang kanyang paligid at walang anuman o sinuman na gumagambala sa kanya. Dahil sa ganito niyang karakter ay namimisinterpret siya bilang suplada o suplado. At dahil din dito kung kaya’t may mga oportunidad sa labas ang nakakalampas sa kanya.

STUBBORN

Kapag nasabi na niya ay nasabi na niya. Kung ano ang kanyang pinaniniwalaan ay ito ang kanyang paninindigan hanggang sa huli. Kahit pa bigyan ka niya ng pagkakataon na magpaliwanag, pakikinggan niya lang ang lahat ng iyong sasabihin, subalit sa huli ay sarili pa rin niya ang paniniwalaan nya. May katigasan ang kanyang ulo pagdating sa kanyang paninindigan. Kaya naman mahihirapan kang ibahin ang kanyang pasya o desisyon.

UNPREDICTABLE

May mga pagkilos ang isang Aquarian na mahirap mahulaan. Kung minsan ay mabibigla ka na lang at masosorpresa once na may gawin siyang hindi mo inaasahan. Bagamat hindi ito madalas mangyari, kahit pa bali-baligtarin ang kanyang pagkatao ay lalabas at lalabas ang kanyang pagiging unpredictable.

COLD AND RIGID

May kakayahan ang Aquarius na kontrolin ang kanyang emosyon. Hindi siya emosyonal na tao. Kung ikaw ay nagtatampo sa kanya at sa tingin mo ay madadaan mo siya sa pagmamaktol mo at kagustuhan mong magpasuyo, huwag ka nang mag-aksaya ng panahon dahil hindi ka niya papatulan. Hindi siya gagawa ng way para lambingin ka unless na ikaw mismo ang lalapit sa kanya para maglambing. Bagamat negatibo ang karakter na ito para sa isang aquarius ay nagagamit naman niya ito bilang sandata para sa kanyang negosyo. Sa negosyo kasi paminsan minsan ay hindi kinakailangan ang emosyon lalo na kung ito ay sobra. Kung magiging malambot siya ay maaari siyang mapagsamantalahan ng ibang tao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here