NBA 73rd season: Toronto Raptors, CHAMPIONS!

0
27
The Toronto Raptors are 2019 NBA champions

NAGDIRIWANG ang mga mamamayan ng bansang tinaguriang “The Great White North” dahil sa unang pagkakataon, nakamit ng Toronto Raptors ang kampeonato sa 2018–2019 NBA o 73rd season of the National Basketball Association. Kinikilalang “The Megacity” ang Toronto sa Ontario, Canada dahil ito ang one of the largest in North America.

Makasaysayan ang ginawa ng Raptors matapos makuha ang unang NBA title nang talunin ang defending champion na Golden State Warriors sa Game 6 ng championship series, 114-110. Ito na ang unang kampeonato ng Raptors mula noong 1995 ng makakuha ng franchise. Tinuldukan ng Toronto ang pagkuha ng ika-7 kampeonato ng Golden States na may 6 championships records noong 1947, 1956, 1975, 2015, 2017, 2018.

Over 100,000 line Toronto streets way past midnight after Raps win

Nagkaisa ang mga manlalaro ng Toronto na sina Pascal Siakam na kumolekta ng 26 points at 10 rebounds, at si Kyle Lowry na nagtala ng 26 points, at 10 assists, habang nag-abang naman si Kawhi Leonard ng 22 points. Maging si Fred VanVleet ay hindi nagpaawat na nakakolekta ng 22 points.

Sa third quarter, dahil sa left knee injury ni Klay Thompson, napilay na ang laro ng Golden State, kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makpagsabayan ang Raptors. Makapigil-hininga ang sagupaan ng Raptors at Warriors, kung saan maraming beses na nagpalitan ng abanse sa loob lamang ng first half.

Samantala, itinanghal bilang 2019 NBA Finals Most Valuable Player si Kawhi Leonard, ikalawang MVP sa kanyang professional basketball career. Nagtala ng average na 28.5 points per game si Leonard sa kanyang 43% shooting sa 2019 NBA Finals.

Unang nakamit ni Leonard ang Bill Russell Trophy noong 2014 sa San Antonio Spurs, na tinalo noon ang Miami Heat na pinamunuan ni LeBron James.Sa laban ng Raptors at Heat, nagrehistro ng average na 17.4 points at 6.2 rebounds si Leonard at nakamit ang parangal dahil sa pagdepensa nito kay James. Dahil dito, napabilang ang three-time NBA All-Star sa grupo ng mga players na nakakuha ng Russell Trophy sa dalawang magkaibang team, na katulad nina Kareem Abdul-Jabbar (Bucks at Lakers) at James (Cavs at Heat).

Si Leonard din ang ikaapat na player na pinangalanang Finals MVP sa kanyang unang season sa isang team, gaya nina Magic Johnson sa Lakers noong 1980; Moses Malone sa Philadelphia 76ers noong 1983; at Kevin Durant sa Warriors noong 2017. Umiskor ng kabuuang 732 points si Leonard sa postseason, na ikatlong pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA na sumusunod kina Michael Jordan (759 noong 1992) at James (748 noong 2018).

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here