Natagpuan mo na ba ang Soulmate mo?

0
471

Madalas may mga nakikilala tayong tao na magaang ang loob natin sa kanila. Nararamdaman natin na nakita o nakasama na natin sila. Sabi nga, may hindi nakikitang koneksyon pero ito aynararamdaman. May hindi maipaliwanag na bagay na humihila sa bawat isa upang magkalapit.

Ano nga ba ang soulmate? Ang koneksyon mo sa iyong soulmate ay nasa mas mataas na antas kesa sa ordinaryong kakilala o kaibigan. May malakas na pwersa ang naguugnay sa inyong dalawa. Hindi sa pisikal o sa isip lamang ngunit sa ispiritual din.

Ang isang tao ay maaring magkaroon ng higit sa isang soulmate. Ang kaugnayan mo sa kanya ay maaring romantiko o platonic lamang. Pwede nating soulmate ang nanay, tatay, kapatid, kaibigan o kapareho natin ng kasarian o ang ating kasintahan o asawa. May tinatawag na lumang kaluluwa na pabalikbalik sa mundo. Dito natin masasabi na totoo ang soulmate dahil ilang beses na natin sila nakasama sa ilang yugto ng paglalakbay natin sa mundo.

Sabi ng matatanda, ilang beses mo makikita ang soulmate mo hanggang maitama niyo ang dapat niyong gawain.

Isa ang laging mananatili, ito ay ang espesyal na nararamdaman mo sa iyong soulmate. Meron ding kategorya na may mga taong napapabilang sa parehong soulmate na grupo o pamilya.

Ano ano ba ang iba’t ibang klase ng soulmate?

1.Twin Flame- Ito ang pinamataas na antas ng soulmate. Maaring madami ang ating soulmates ngunit nag iisa lamang ang twin flame ng bawat tao. Ang twin flame ay ang konsepto na tuwing ang isang tao ay pinapanganak, ang kanya kaluluwa ay nahahati sa dalawa, at yong kalahati na napupunta sa isang tao ay ang kanyang twin flame.  Ang bawat isa ay nagsasalamin sa bawat isa. Magkikita at magkakadaupang palad mo ang iyong twin flame sa lahat ng iyong ebolusyon sa ispiritual at pisikal na mundo. Napakalalaim ng konseptong ito na hindi lahat ay makakaunawa agad. Maaring romantiko o platonic ang relasyon nyo ngunit may magneto na laging nag-uugnay sainyo. Ang pinakamasaya at pinakamalungkot pati na ang pinakamahirap na mga pagdadaanan ay mararanasan mo sa twin flame mo. Nagliliyab ang emosyon niyo sa bawat isa. Hindi ka kumpleto kung wala siya. Kahit anong mangyari kayo at kayo pa din sa bandang huli, ano pang panahon ito.

2. Healing soulmates- Ito ay mga dumadating na tao o kaibigan para tulungan tayo sa mga panahon na kailangan natin. Maaring dadaan lang sila sa buhay natin upang turuan tayo matuto ng mga leksyon sa buhay. Tutulungan din tayo upang makabangon at ituloy ang pakikibaka natin sa buhay.

3. Past life soulmates- Naging karelasyon o soulmate na natin sila sa past life natin. Pag nakilala natin sila sa pangkasalukuyan ay napakadali natin sila maging malapit. Magaan at masaya lang ang kaugnayan sa kanila. Tutulungan at aalalayan ka marating kung saan ka dapat. Walang pagdurusa at sakit sa kalooban sa bawat isa. Maaring kahit gustuhin ng bawat isa gawing romantiko ang relasyon ngunit ito ay impossibleng mangyari.

4. Karmic soulmates- Naging magkasama, magkakilala o magkarelasyon kayo sa past life. May masakit na nagyari sa inyong dalawa. May mas nasaktan at naagrabyado.Doon pumasok ang karma. Yung sakit na dinulot noon ay dapat makayanan at malagpasan dito sa kasalukuyan.

Parati ko naririnig, sabi ng ibang tao, past life niloko mo ako kaya sa kasalukuyan ikaw ang niloko ko para nabayaran mo na ang karma mo. Sa kabilang argrumento, magkikita daw ulit ang karmic soulmates para tapusin ang mga negatibong paulit-ulit lang na nangyayri hanggang maging tama ito.

Ikaw sa palagay mo, nakilala mo na ang twin flames mo? O ang soulmate o mga soulmates mo?

Ang importante sa bawat soulmate na pakikpag-ugnayan at pakikipagrelasyon ay laging pairalin ang totoong pagmamahal romantiko o platonic lamang. Ang pagiging totoo at parehas ay importante upang hindi man ito panghabang buhay meron at merong positibong karanasan at leksyon ito na dulot upang mas maging mabuting tao at nilalang tayo. At mas makabuluhanan ang ating paglalabay sa buhay tungo sa ating pinakamimithi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here