Narsha, “The Ambassador”

0
224
Narsha Bio on PhilippineOne

Kristina Yambao

Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio:https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

Latest posts by Kristina Yambao (see all)

 

Si Narsha, na ang totoong pangalan sa tunay na buhay ay Park Hyo-jin, ay isinilang noong Desyembre 28, 1981 sa Seoul, South Korea. Nagsimulang nakilala si Narsha sa industriya ng KPop noong siya ay naging bahagi ng grupo’ng Brown Eyed Girls noong 2006. Pinili niya ang pangalan’g Narsha dahil nagustuhan niya ang kahulugan nito. Ito ay galing sa mga kataga’ng na-reu-sha na ang ibig sabihin sa Korean ay “lumipad”.

               Bago paman sumikat ang KPop na grupo’ng Brown Eyed Girls, nakilala muna ito sa pangalan’g Crescendo hanggang sa nilabas nila ang una nilang album sa ilalim ng kanilang bagong pangalan at pinamagatan ito’ng Come Closer. Ang pagsali niya sa grupo ay suhestiyon lamang ng kanyang pinakamatalik na kaibigan na si Jea, at simula ng siya ay sumali sa grupo, doon na nagsimula ang kanyang kasikatan.

               Noong 2009, mas lalo pa’ng sumikat at nakilala si Narsha sa industriya ng KPop ng siya ay nagsimula’ng magkaroon ng mga palabas sa telebisyon katulad na lamang ng Heroes at Invicible Youth kung saan siya ay nabigyan ng palayaw na Adult-idol. Si kabila ng mga oportunidad na lumabas sa telebisyon, si Narsha ay naging DJ din sa programa ng radyo na pinamagata’ng Pump up the Volume sa ilalim ng KBS Cool FM. Mapapakinggan mo siya simula alas otso ng gabi hanggang alas diyes.

 

          

Naputol ang pakikibahagi ni Narsha sa program ng radyo noong nagsimula’ng magbyahe sa ibang bansa ang grupo’ng Brown Eyed Girls. Subalit, kahit nagtapos ang programa niya sa radyo, napalitan naman ito ng panibagong oportunidad—ang lumabas sa palabas sa telebisyon na pinamagata’ng Lights and Series sa ilalim ng kumpanya’ng MBC. Si Narsha ay naging boses din ng isang kontrabida sa palabas na pinamagata’ng The White Wolf. Sa kabila nito’ng lahat, tinagurian si Narsha bilang isang musical actress at smartphone director.

               Nagsimula’ng umawit mag isa si Narsha noong 2010 at ang pinakauna niya’ng kanta bilang solo artist ay ang kanta’ng I’m In Love. Ang kanyang solo album na nasa ilalim ng kanyang mismong pangalan na NARSHA noong Hulyo 9, 2010 ay nasa Gaon’s Top 100 Digital Sales dahil ito ang pinaka downloaded at streamed nga mga tagapakinig.

            Sa pagkamit ni Narsha sa rurok ng kasikatan, siya din ay nakatagpo ng kanyang pag ibig noong 2016 at nagpakasal kay Hwang Tae-kyung.

K-Pop

Bio

PhilippineOne Music

SHARE
Previous articleIsyu 191: Ang kahulugan ng toothpaste, toothbrush at medyas
Next articleAll Genres Filipino and Korean
Si Kristina ay ipinanganak noong Abril 18, 1987. Siya ay laking Mindanao. Nagtapos siya ng kurso’ng Law sa isa sa mga unibersidad sa Visayas at isinusulong niya ang kanyang advokasiya na protektahan ang karapatan ng mga kababaihan at kabataan. Isa siya sa mga naging front liner na rumesponde sa Leyte noon’g sinalanta ang probinsya ng bagyong Yolanda noong 2013. Extended Bio: https://philippineone.com/kristina-yambao-digital-nomad-warrior/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here