Narito ang mga dapat pakaabangan sa taong 2018

0
462

Sa taong 2017 ay kabi-kabila ang mga pangyayari—mapa-maganda o masamang pangyayari man ito ay tunay na tinutukan at inabangan ng bawat Pilipino.

At ayon sa isang survey ay 96% ng mga Pilipino ang ay hopeful o umaasang mas gaganda ang pangyayari sa kanilang buhay sa taong 2018.

Hindi naman ito nakapagtataka dahil na rin sa napakarami nga talagang mga dapat pakaabangan ang mga Pilipino na makakatulong hindi lamang sa personal na mga buhay nila ngunit maging para sa buong bansa tulad na lamang ng…

TAX REFORM BILL. Noong December 19 ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Bill. Kung matatandaan, ang batas na ito ay naglalayon na mai-adjust ang bigat ng pagbabayad ng buwis mula sa mga lower-income segments patungo sa mga “ultra-rich”.

“The goal of the first package of the Comprehensive Tax Reform Program (CTRP) or TRAIN is to create a more just, simple, and more effective system of tax collection, as per the constitution, where the rich will have a bigger contribution and the poor will benefit more from the government’s programs and services.  

The tax reform aims to achieve the following: poverty rate reduced from 26 to 17% (or some 10 million Filipinos uplifted from poverty), law abiding country, peace within the country, peace within the country and with our neighbors, achieve high middle income status, where per capita gross national income (GNI) increases from USD 3,000 to USD 4,100 by 2022 in today’s money, extreme poverty eradicated, inclusive economic and political institutions where everyone has equal opportunities and achieve high income status, where per capita GNI increases from USD 3,000 to USD 12,000 by 2040 in today’s money.” (dof.gov.ph)

10-YEAR VALIDITY NG PASSPORT. Dati ay limang taon lang ang validity ng Philippine passport ngunit gaya ng ipinangako ng Pangulong Duterte noon ay magiging sampung taon na ang validity nito simula taong 2018. “The extension of the passport validity is expected to make traveling abroad easier and to lessen the burden of citizens, who would no longer need to keep renewing their passport every five years.” (newsinfo.inquirer.net)

EXTENSION NG MARTIAL LAW SA MINDANAO. Noong Disyembre lamang ay inaprubahan ng mga mamababatas ng Senado ang pagpapalawig ng isa pang taon ng Martial law sa Mindanao. Mga miyembro ng minorya ang bumoto laban sa pagpapalawig nito ay sina Senator Bam Aquino, Franklin Drilon, Risa Hontiveros at Francis Pangilinan.

Limang buwan ring nagkaroon ng bakbakan sa Marawi dahil na rin sa sinubukan itong ipasailalim ng grupong Maute. At dahil na rin sa maraming banta ng terorismo at mga paglusob ng mga rebeldeng grupo ay humingi ng isa pang taong extension ang Pangulo para sa Martial Law ng Mindanao.

GRADUATION OF THE FIRST BATCH OF K-12. Matatandaang taong 2013 ng nilagdaan ni dating Pangulong Aquino ang pagpapatupad ng K-12 program sa high school. Nilalayon nito na magkaroon ang mga estudyante ng “standard knowledge, skills and competencies” na kailangan sa kolehiyo.

Mula dito ay makikita na sa wakas kung mayroon nga bang magandang dulot ang ipinanukalang programa. Ito ay sa kadahilanang hindi naman talaga masyadong nabigyan ng pagkakataon na mapag-aralan ang nasabing programa bago maipanukala sa DepEd.

Marami pang mga dapat abangan na mangyayari sa taong 2018 kabilang na ang RESULTA NG IMPEACHMENT KAY SERENO at ang Bangsamoro Basic Law o BBL.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here