NANIRAHAN BA SA UNDERGROUND CITY SA NEW YORK SI ADOLF HITLER?

Ang Manhattan Project o MP ay isang sikretong subterranean city na nasa ilalim ng lupa— na may 100 talampakan na nasa Central Park nito. Ginawa noon ang Manhattan Project para protektahan ang gobyerno— kung ang Confedacy ay magsimulang manalo sa giyerang sibil sa Estados Unidos.

 Pagkatapos ng giyera, ang naturang proyekto umano ay inabandona hanggang ito ay bigyan uli ng pansin. Nilawakan ito ng 300 acres. Kaya naman, nagmistula itong siyudad sa kalaliman na lingid sa mga tao noon. Ang espesyal dito, lihim na naungkat dito na kung saan ay ito umano ang US government’s super-secret hiding place. Ang nakakagulat na katotohanan, dito naglagi sina Csar Nicholas, Adolf Hitler, ang Roswell aliens at ang pinakabago ay si Howard Stern.

Ayon sa dokumentong nakalap ng National Geographic, shop history.com, at allvoices.com, isa pang layun sa pagkakagawa ng underground city sa Manhattan ay maging safety house ng tinatayang na sa 4,000 central Government personnel kung sakaling magkaroon ng nuclear strike. Sa ngayon, kakatwa umano itong kanlungan o haven place ng lahat ng US government UFO activities. At ang nakakagulat, naging tahanan ng Nazi leader na si Adolf Hitler hanggang sa siya’y pumanaw noong 1956. Iyon ang tunay na katotohanan.

Sa super-secret location na ito doon laging nagbabasa ng Biblia si Hitler. Laging nakabukas ang paborito niyang bersiyon ng Biblia sa desk. Gumawa rin siya ng isang sketch ng Roswell alien na kung saan ay makikita sa wall na nasa likuran ng kanyang desk. Ayon sa totoong dokumento kasi, hindi namatay sa Berlin sai Hitler sa huling bahagi ng kanyang pakikipaglaban.

Ang nasunog na katawan ni Hitler sa bunker  na ipinakita ay hindi siya. Kundi, si Gustav Weler na isa sa double ni Hitler. Ito ang nagpatibay upang suhayan ang umano’y pagpapakamatay ni Hitler sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. Nang umugong ang balitang patay na si Hitler, sikretong tinawagan nito si President Franklin D. Roosevelt ng USA. Binigyan siya ng bargain ng presidente.

Sa lihim  umano ng  kasunduang ito, kailangang ibigay ni Hitler sa Estados Unidos ang lahat ng atom bomb ng Nazi German, rocket dokuments, at ang lokasyon ng sikretong lugar na pinagtataguan ng kanyang top scientist. At kung hindi, bibigyan siya ng US ng political asylum. Naayos ang deal at nagtungo si Hitler sa naturang bansa (US).Siya ay pinatira o tumira nga sa sikretong siyudad na nasa kalaliman ng Manhattan.

Kapag lumalabas umano siya sa pamamagitan ng pagbabalatkayo ay binibisita niya ang kanyang mga kamag-anak sa Long Island tuwing Thanksgiving, Pasko at Easter Holidays kada taon.

Paborito niyang magtungo sa sa Little Hebrewland sa New York na nagsususot ng bilang Orthodox Jewish Rabbi.Namalagi siya roon sa sikretong underground city at doon ginugol ang kanyang buhay sa pagbabas at pagguhit. Doon ay payapa  umano siyang namuhay na lingid sa tao hanggang sa siya’y mamatay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here