Nanghuhuli ng isda kasama ang estranghero

2
158
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 158

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni  Jonna tungkol na nanghuhuli ng isda kasama ang isang lalaki na hindi niya kakilala.

 

Dear Maestro, 

Magandang araw po. Ganito po ang panaginip ko. Nasa sapa raw ako at may kasamang lalaki pero hindi ko kilala. Nanghuhuli raw kami ng isda. Maraming isda. Nakahuli ako ng mga isda gamit ang balde. Ano po ang ibig sabihin nito?

 

KASAGUTAN:

Kung mahilig kang magbasa ng Bibliya, mapapansin mo ang nakasulat sa Mateo 4:18-22, kung saan, ang mga “nanghuhuli ng isda” ay tinawag ni Jesus at ginawa niyang disipulo. Ganito ang nakasulat:

“Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro at ang kapatid niyang si Andres.  Sinabi ni Jesus sa kanila, “Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao.”  Noon din, iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.

Nagpatuloy siya ng paglalakad at nakita rin niya ang magkapatid na Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo. Sila’y nasa bangka kasama ng kanilang ama, at nag-aayos ng lambat. Tinawag din sila ni Jesus. Agad nilang iniwan ang bangka at ang kanilang ama, at sumunod kay Jesus.”

 Sa kuwentong tinuran, nagsimula ang kasaysayan ng Kristiyanismo, kaya nga si Pedro ang tinatawag na Unang Papa, dahil siya ang isa sa mga unang naging disipulo ni Jesus at siya rin ay “ginawang taga-huli ng hindi na isda” kundi “taga-huli ng mga mananampalataya”. Ang sa saktong salita ay “tagapamalakaya ng mga mananampalataya.”

At matapos nga na tawagin ni Jesus ang kanyang mga disipulo, nangaral sila at mula noon mabilis na lumago  at dumami ng dumami ang Sangkakristiyanuhan na kumalat ng kumalat at patuloy pang kumakalat at dumadami sa buong mundo.

Dahil dito, anumang panaginip na nanghuhuli ka ng isda ay paniguradong may magandang kahulugan, kung saan ito ay may kaugnayan sa“multiplication process o pagpaparami ng kabuhayan.”

 Sa Makalumang Kahulugan o Pang-Tradisyunal kapag nakapanaginip ng isda, higit lalo at ito ay marami, ito ay tanda na sa susunod na mga araw, magkakaroon ka ng karanasang magdudulot sa iyo ng ligaya at galak. Ibig sabihin, magiging masaya ka, dahil ang “isda lalo na’t ang napanaginipan mo ay mga isdang masarap kainin” tulad ng nasabi na, ito ay larawan o sagisag ng isang masaya at masarap na buhay.

 Kung pinapanood mo naman ang mga isda na napakarami at lumalanguy-langoy sa tubig, ito ay tanda ng “kalayaan”.

Kung saan, kung nararamdaman mong nasisikil ka sa mga pagdedesisyon mo sa buhay at kumbaga’y nararamdaman mong may parang pumipigil sa’yo para gawin ang isang bagay at pagkatapos ay nanaginip ka ng “maraming mga isda na lumalangoy sa tubig” ito ay pahimakas, na sa susunod na mga araw, “tuluyan mong makakamit ang paglaya, wala ng makikialam sa iyo, makapagdedesisyon ka ng mag isa, mapupuntahan ang mga lugar na gusto mong puntahan at magagawa mo ang mga bagay na nasi mong gawin ng masaya ka at maligaya.”

Samantala sa Modernong Interpretasyon, o sa pang-psychology kahulugan medyo malalim ang nais ipahiwatig ng “isda” higit lalo kung ang psychologist na si Carl Jung ang tatanungin, dahil para sa kanya ang “fish o isda” ay siya ring “Self or Inner Christ”.

Ano ang ibig sabihin ng Self na capital ang letter sa simula? At ano ba ang ibig sabihin ng “Inner Christ?” – Simple lang ang ibig sabihin nito sa layman term, kung saan, “Ito ang ubod ng makapangyarihan mong sarili na hindi mo nare-recognize o nagbibigyang pansin sa ngayon”.

 Oo nagpakita siya sa iyong panaginip sa pamamagitan ng “mga isda” upang sabihin sa iyo ang ganitong mensahe: “Jonna, sa panahong ito ng kuwaresma o Mahal na Araw, magnilay ka ng malalim sa iyong sarili at may matatapuan kang “hidden manna” na siyang lulutas, tutulong o magsusolusyon sa iyong mga problema at bibigyan ka nito ng mga dakila at malalaking biyaya, bukod pa sa suwerte at magagandang kapalaran.” 

Ibig sabihin, Jonna, kapag nag-soul-searching ka, na ‘yon naman talaga ang pinapagawa sa’yo ng iyong panaginip o sa Christian term ay “nag-religious retreat ka” , lalo na nga ngayon panahon ng Semana Santa na magsisimula sa Pebrero 14, na siya ring araw ng Ash Wednesday, tiyak ang magaganap, “matapos ng iyong malalim na pagninilay, magkakaroon ka ng  bagong-bagong pagkatao na hihigop ng mas marami pang mga suwerte at mga pagpapala.”

 Bukod sa sinasabing ito ni Carl Jung na medyo super-spiritual ang dating, ang “nanghuhuli ng isda sa panaginip lalo na at marami kang nahuli ay tanda rin ng kasaganahan, sa partikular dahil ang isda ay staple food ito ay tanda rin ng pagyaman, pag-unlad ng kabuhayan at kasaganahang pang-materyal na nakatakdang mangyari sa malapit na hinaharap.

 Habang kung  ang psychologist na si Sigmund Freud naman ang tatanungin, na laging medyo may pagkabastos ang kanyang interpretasyon sa halos lahat ng bagay, sinasabi niyang kapag ang panaginip ay “maraming mga isda na nasa tubig na lumalangoylangoy ay sobrang maliit, ito ay sagisag ng sperm cell” na nangangahulugang sa malapit na hinaharap hahangarin mong makipagtalik (unconsciously) na masasarapan ka naman, pero kapag hindi ka nag-ingat may tsansa na ikaw ay biglang mabuntis.  

Sa pang-astrological interpretation naman ang panaginip na isda ay kumakatawan  sa zodiac sign na Pisces, kung saan ang “period o panahon ng Pisces” ay mula sa ika-19 ng Pebrero hanggang sa ika-20 ng Marso, na ibig sabihin nito, sa panahong tinuran, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo ng sunod-sunod at bigla mong mararanasan ng hindi mo inaasahan.

2 COMMENTS

  1. Magandang araw po Maestro.. May mga katanongan po kc sa isip ko na kayo lng po ang makakasagot. Tatlong beses na po kc ako nanaginip na may nag coconstruction sa paligid, taz kagabe nman po ang panaginip ko ay ung bahay daw po namin ang ginagawa sa may bandang harap daw po ng bahay namin ang ginagawa? Anu po kaya ibigsabhn nun? Sna po ay mapansin mo. Maraming Salamat Po. Aasahan ko po ang sagot at aabangan ko po. Muli po ay Maraming Salamat Po.

  2. Mag and ang a raw po sayo maestro. .anu po ibig sabihin ng panaginip ko na nakakahiya dw po ako ng mga isda hndi nman ito dagat parang sa spa lang..at nakakapa ko lang ang mga isda na nahuhuli ko po…anu po ibig sabihin po nun maestro…marami ng salamat po sana malaman ko po ang ibig sabihin ng panaginip Kong ito. …salamat po…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here