Nanaginip ng aratiles at mansanas

2
101
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 91

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Tagumpay tungkol sa prutas na aratiles at mansanas.

Dear Maestro,

Nanaginip po kasi ako at gusto kong malaman ang kahulugan nito. Nakakita po ako ng puno ng aratiles at maraming bunga. Ang ginawa ko pumitas ako ng isa at nang malasahan kong masarap pala, pumitas ako nang pumitas, sabay subo pagkapitas ko hanggang sa nabusog ako. Aalis na sana ako pero may tumawag sa akin at binigyan ako ng mansanas na kulay pula, katulad ng kulay ng mga aratiles na pinitas ko na kulay pula din. Dinala ko lang at hindi ko kinain ang mansanas kasi nga busog na ako. Pagkatapos sumunod na araw, nanaginip uli ako, pero maigsi lang, sa panaginip ko ang taba-taba ko na raw at mabilog na ang aking pisngi.  Ano po ang kahulugan ang panaginip ko at may kaugnayan ba ang dalawang panaginip ko? Sa totoong buhay kasi ay ayaw ko pa namang tumaba, kasi maliit lang akong babae at baka maging punggok ako kaya konti lang ako kung kumain. Itago mo na lang ako sa pangalang Tagumpay. Maraming salamat po.

 

KASAGUTAN:

Kapag ikaw ay natulog ng medyo gutom o hindi busog sinasabing ang kadalasang magiging laman ng iyong panaginip ay kumakain ka, maaaring tinapay, kanin o prutas o kung anupamang pagkain ang gusto mong kainin sa walking life mo o noong gising ka.

Ito ang tinatawag sa psychology na wish fulfillment dream.  Kung saan, ang gutom mo bago ka matulog, ay natugunan ng saktong pangangailangan ng iyong tiyan o bodega sa panahong ikaw ay natutulog, kaya nabusog ka sa iyong panaginip.” Pero sa totoo lang paggising mo, kahit busog ka sa iyong panaginip ay siguradong tulad ng nasabi na, paggising mo ay gutom ka pa rin at ang tendency paggising na paggising mo ay maghanap ka nang makakain sa kusina.

Ganunpaman, Tagumpay, kung hindi ka naman gutom noong ikaw ay natulog at nanaginip ka ng prutas partikular na ang maliliit pero matatamis na bunga ng aratiles, ito ay may positibo o magandang kahulugan.

Sa pang-tradisyunal o makalumang kahulugan sa pangkalahatan, ang prutas  ay nagpapahiwatig ng kayamanan at kaligayang pampamilya. Kung ikaw ay single, ang prutas ay indikasyon din ng masaya at matimyas na pakikipagrelasyon sa taong  mahal na mahal mo.

Subalit, alalahanin din na may iba’t-ibang uri ng prutas, kaya ang interpretasyon nito ay ayon sa kung anong uri ng prutas ang napanaginipan mo.

Sa pangkalahatan, kapag ang prutas ay kulay pula at matamis tulad ng panaginip mong aratiles , ito ay nagpapahiwatig ng suwerte sa pera, masayang pakikipagrelasyon at masayang ugnayan ng pamilya.

Pero, dahil ang aratiles ay maliliit lamang ang bunga, ito ay tanda na sa susunod na mga araw maliit na suwerteng pang-materyal at maliit lang din na kaligayahang pang pamilya ang iyong mararamdaman. Pero, at least, ang nakatutuwa rito ay ang indikasyong magiging masuwerte ka na at magiging maligaya ka na sa susunod na mga araw.

Samantala, bukod sa aratiles ang isa pang prutas na iyong napanaginipan ay ang mansanas na bagamat hindi mo kinain ay may nag-abot sa iyo. Tulad ng nasabi na sa itaas, dahil ang mansanas ay pula at medyo matamis din ang lasa sa panaginip ito ay tanda ng mahabang buhay na mapupuno ng tagumpay at maligaya.

Kung ikaw naman ay isang babae, ang mansanas ay nagsasabing lalaki ang makakatulong sa iyo upang ikaw ay magtagumpay at lumigaya. Puwede ring sabihin tutulungan ka ng isang lalaki upang habambuhay kang umunlad at lumigaya.

Kung ikaw naman ay may boyfriend ang mansanas ay nagsasabing maligayang relasyon dahil kapwa kayo tapat sa isa’t-isa ng babae o ng lalaking minamahal mo.

Habang kung ikaw naman ay isang negosyante ang mansanas ay nagpapahiwatig ng malalaking tubo ang aanihin mo sa mga pakikipagtransaksyon iyong papasukin sa susunod na mga araw.

Sa moderno at pang-psychology interpretasyon ang prutas ay tanda ripeness, abundances; fertility; earthly desire; a project thats finally bearing fruit. Ibig sabihin kung anuman ang iniisip, pinaplano o binabalak mo sa buhay ngayon, ituloy mo lang ng ituloy, dahil sa malapit na hinaharap, magtatagumpay ka at anuman ang iyong pinaplano o iniisip, tulad ng nasabi na, ito ay magkakaroon ng positibong katuparan.

Kung ang psychologist na Sigmund Freud ang tatanungin kung ang prutas ay makinis, bilog, maraming buto, kulay pula at matamis, ito ay tanda ng unconscious na pagnanasa ng isang babae na makipagtalik kung siya ay dalaga pero kung siya naman ay may partner o may asawa na, ito ay tanda ng unconscious wish na pagkakaroon ng baby o mga anak.

Samantala ayon naman sa H-T-P Test (House-Tree-Person Test ni Goodenough), kapag ang punong kahoy sa drawing sa nasabing projective technique test na kalimitan na  ina-administered ng mga psychologists/psychometricians, ay may prutas o mga bunga  ito ay tanda ngdependency.

Ibig sabihin, ang unang prutas sa iyong panaginip ay ang aratiles na maliit pero kulay pulang bunga, ito ay tanda na  umaasa ka kahit na sa maliit na mga bagay sa iyong pamilya o sa isang miyembro ng iyong pamilya. Dahil pula at hinog ang mga prutas na aratiles – kahit papaano ikaw sa kasalukuyan ay masaya.

Samantala, ang mansanas naman ay ganon din. Tanda na umaasa ka sa iyong pamilya o sa isang miyembro ng iyong pamilya, at dahil medyo malaki ang hugis ng mansanas, hindi lang sa maliit na bagay ka umaasa sa mga miyembro ng iyong pamilya kundi minsan pati na rin sa malalaking mga bagay ay umaasa ka.  Pero, dahil pula ang mansanas at masarap kainin, sa kabilang umaasa ka, kampante at maligaya ka naman kahit na paano sa kasalukuyan.

Kaya nga kung pagtutugma-tugmain ang mga interpretasyong inilahad na sa itaas, lumilinaw na ang kahulugang ng iyong panaginip, tanda na: “kahit na umaasa ka ngayon sa ilang miyembro ng inyong pamilya, sa malapit na hinaharap, maraming suwerte at magagandang kapalaran pa rin ang darating sa iyo at iyong matatanggap, na siya ring kahulugan ng ikalawa mong panaginip na tumataba ka at tumataba ang iyong pisngi” na nangangahulugang ang pisikal na kalusugan ay tanda rin ng pang-materyal at pangkabuhayan kasaganahang mararanasan mo sa susunod na mga araw.

 

2 COMMENTS

  1. Dear Maestro
    Kagabe lang po npanaginipan ko po na nakapulot po ako ng gold na kwentas po at sa mga gilid po nito ay may nkasabit na hugis puso po na gold din kya tuwang-tuwa po ako dahil ang ganda nya. Taz dun din sa area na un nkapulot din po ako ng mga bareya na tig sampu at limang piso. Taz nakita ko po ung anak na lalaki ng boss ko. Sinabi ko sknya na nakapulot ako ng kwentas na gold at pinakita ko sknya, sabi ko bka sa mommy mo to aarborin ko na lang sana. Tapos sabi ng anak ng boss kong lalaki na cge po ate sabihin mo lang po kay mommy ibibigay nya po yan sau. Kya nman po ay dagliang akong pumunta sa boss ko at sinabi ko sknya tungkol sa napulot kong gold na kwentas at pinakita ko sakanya. Sabi ko kung pwede ko arborin at sakin nalng po. Sabi nya mabuti at sinabi mo ung totoo kaya cge pumapayag ako na sau na lang ung kwentas na yan. Kya tuwang-tuwa po ako dahil tunay na gold daw po ung kwentas at galing daw po sa korea ung gold na kwentas.

    Anu po kaya ibigasabihin nun Maestro. Sana po maganda ung ibigsabihin ng gold na kwentas.. Maraming Salamat Po. Aabangan ko po ung sagot mo.

  2. maraming salamat maestro, totoo po lahat ang hula nyo sa aking panaginip, totoong umaasa lang ako sa isang myembro ng pamilya kc ala nmn akong trabaho sa ngaun nag-aalga lang ako sa akin ama na nag-uulyanin na kesa nmn kumuha ng taga pag-alaga ako na lang ang nagbuluntaryo alagaan cia….pero gusto ko pa rin magkaroon ng sariling akin sariling pera na hindi manggagaling sa kanya kaya umaasa pa rin ako na sa darating na araw magkakaroon din ako ng sarili pera, gusto ko sana makajackpot sa lotto para mabayaran na yun lote iniwan sakin ng namayapa kong asawa para samin ng anak ko….mangyayari kaya yun?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here