Nalungkot si Olivia kaya pumatol sa kasamahan kahit may boyfriend sa Pinas

0
535

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

ANG haba-haba talaga ng hair ng mga babaeng pinag-aagawan, mga katsismosa. Ngunit, ako, ‘di ako naiinggit. Siyempre, bakit pa ako maiinggit, eh, mayroon na akong Dhie. Kahit siya lang ang magmamahal sa akin ng bonggang-bongga, okay na.

Hay naku, ewan ko ba naman kasi kung bakit may mga taong, mapababae man o lalaki, ay mayroon ng partner pero pinipili pa ring magtaksil. Tapos sa huli, matutuklasan lang nila na isang napakalaking kamalian ang kanilang nagawa. Tulad na lamang nitong si Olivia.

Isang OFW si Olivia sa Dubai na mayroong boyfriend sa Pilipinas pero dahil nalungkot siya, hindi niya napigilan ang makipag-boyfriend sa kanyang pinagtatrabahuhan. Isa rin kasi itong Pilipino at dama niya na sobra siyang minahal nito kaya naman sinagot niya ito. Dahil sobra siyang nalulungkot ay nalimutan niyang dapat lamang niyang ipagkaloob ang sarili sa lalaking kanyang mahal.

Dahil isa siyang babae, natuklasan ni Olivia na kailangan din niya na mayroong magpapadama sa kanya ng pagmamahal. Iyon nga lang kahit ibinigay niya rito ang sarili ng paulit-ulit ay hindi nito nagawang angkinin ang kanyang puso. Kaya naman pinili na lamang niyang tapusin ang kanilang relasyon. Nalalapit na rin naman kasi ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

Hindi matanggap ng ‘ginamit’ niyang boyfriend ang kanyang desisyon. Mahal na mahal daw siya nito kaya hindi nito makakayang mawala siya ngunit desidido na si Olivia, iiwanan na niya ito. Siguro ay naramdaman din ng lalaking iyon na itago na lang natin sa pangalang ‘Damian’ na wala na siyang pag-asa kay Olivia kaya naisipan na lang nitong I-blackmail si Olivia. Kung hindi sila magbabalikan ay ia-upload ni Damian ang mga sex videos nila at ang mga nude photos niya.

Hindi naniwala si Olivia pero ginawa nga ni Damian ang panakot sa kanya dahil doon ay nagkasira sila ng boyfriend niya. Humingi siya ng tawad dito pero hindi siya nito pinatawad. Masamang babae na rin ang tingin nito sa kanya. Bagamat alam niyang mayroon siyang kasalanan sa nangyari ay sinabi niya sa sarili na si Damian ang dahilan kaya nasira ang kanyang buhay.

Hindi na siya muli bumalik sa Dubai ngunit hindi na rin sila nagkabalikan ng mahal niya. Tanggap naman ni Olivia ang pangyayaring iyon. Siyempre, may kasalanan din naman siya. Naging mahina siya. Inakala niya kasi na hindi malalaman ng bf niya ang kalokohan niya. Kaya nga lang, walang lihim na hindi nabubunyag. Gayunman, hindi niya inakala na masyadong masakit ang paraan ng kanyang pagkakabuking.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here