NAKIKINIG ANG MGA CELLS SA ATING KATAWAN: PAANO NAKATUTULONG SA ATING KAGALINGAN ANG PAKIKIPAG-USAP SA SARILI

0
281

Unti-unti nang niyayakap ng Siyensiya ang katotohanan ng spiritual healing. Katunayan, maraming mananaliksik, kabilang si Bruce Lipton, Ph.D., ng Chicago, ang nagpatunay na malaki ang epekto ng paraan ng ating pag-iisip sa pangkalahatang kalagayan ng ating kalusugan.

         Ayon kay Lipton, ang paraan ng pag-iisip ng isang tao ay may malaking epekto sa kaniyang DNA; kung saan ang negatibong pag-iisip at pananaw sa buhay ay siyang sanhi ng mga karamdamang pisikal at emosyonal.

         Pinatunayan ng Science sa ilang isinagawang scientific study and research na ang regular na pakikipag-usap sa sarili at pag-iisip ng magaganda at positibong bagay na nakatutulong sa ating DNA repair and reconstruction.

         Napatunayan na ang kaliit-liitan selyula sa ating katawan ay buhay at may kaisipan (consciousness). Sa librong  “The Useful Things To Be Saying to Yourself” in Ian Brown,  ang bawat kaliit-liitang selyula sa katawan ng isang tao ay nagsisilbing imbakan o storage device ng lahat ng kaniyang emosyon, pananaw, at kaisipan. Samakatuwid, kung pupunuin natin ang mga cells sa ating katawan ng mga negatibong damdamin at kaisipan, ito ay manghihina at masisira na siyang magiging sanhi ng pagkakasakit. Kabalintunan kung ito ay pupunuin natin ng masasayang damdamin at kaisipan, ang mga cell ay lalakas at sisigla.

         Ipinayo ni Brown na ugaliing kausapin ang sarili at sabihan ito ng magagandang remarks. Ang lahat ng positibong bagay at salita ay ina-absorb ng cell sa ating katawan na siyang magiging dahilan upang ma-reprogram ang ating DNA.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here