NAHI-HURT SA BF NA MAS PINAHAHALAGAHAN ANG BARKADA

925
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

Laging ipinaparamdam sa akin ng boyfriend ko na hindi ako mahalaga sa kanya. Kinakalimutan kasi niya ang usapan namin kapag tinawagan na siya ng kanyang barkada. Dapat ko na bang wakasan ang aming relasyon? — Camille

 

Camille,

Yes, ‘yan ang dapat mong gawin. Kung hindi ka pa kasi makikipagkalas sa kanya. Ikaw lang din ang mahihirapan. Ilang taon na ba ang boyfriend mo? Kung teenager pa lang kayo, huwag mong aasahan na magseseryoso na siya sa relasyon. Kalimitan ang mga lalaking nanliligaw at nakaka-girlfriend ng 13 hanggang 19 ay para lang  may maipagmalaki siya sa kanilang mga kabarkada. Kung sasabihin mo naman na nasa 20 na siya pataas, hindi pa rin siya seryoso sa relasyon sa’yo.

 Hindi ko sinasabi ito para lang saktan ang kalooban mo. Sinasabi ko ito dahil iyon ang totoo.  Kung mahilig kang magbasa ng pocketbook, huwag mong asahan na ang mga hero roon ay tulad ng boyfriend mo dahil hindi. Immature pa ang boyfriend mo at ikaw naman huwag mong pagsamahin ang pantasya sa reyalidad. Hindi palaging in love ang lalaki sa kanyang girlfriend. O, kung mahal ka niya, hindi pa rin sa tunay na kahulugan noon. Maaaring mahal ka niya dahil sa maganda ka. Ibig sabihin,  mababaw lang ang feelings niya sa’yo. Sorry to say pero kapag nakakita siya ng mas maganda sa’yo, papalitan ka na rin niya.

 Kung talaga kasing seryoso siya sa’yo, hindi ka niya babalewalain. Mas bibigyan ka niya ng higit na importansiya. Hindi niya gugustuhin na masaktan ka o magtampo. Masakit man ang nararamdaman mong pambabalewala niya, wala kang nagagawa kundi umiyak. O, hindi ba, takot ka rin na kumprontahin siya dahil ayaw mong mag-away kayo at mauwi kayo sa hiwalayan?

 Tanggapin mo na lang na hindi pa kayo ready sa seryosohang relasyon. Kung sasabihin mong seryoso ka sa lalaking ‘yan, pigilan mo na ang pintig ng iyong puso. Ikaw rin ng magiging kawawa sa huli kung pipiliin mong panindigan ang inyong relasyon. Mas masasaktan ka pa kung siya ang makikipagkalas sa’yo. Kaya, unahan mo na siya. Para maisalba mo rin ang iyong pride.

 Kung talaga ngang teenager ka pa lang, pag-aaral muna ang intindihin mo. Bigyan mo muna ng kasiyahan ang iyong mga magulang sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila ng matatas mong marka. Saka, mangarap ka muna. Intindihin mo muna ang iyong kinabukasan.

Hindi lang sa pag-ibig nabubuhay ang tao. Maaari ka ngang tumandang mag-isa. Mabubuhay ka kung mayroon kang perang magagamit para ikaw ay makakain at mabili ang lahat ng pangangailangan mo. Ibig kong sabihin, kailangan mong magkaroon ng magandang trabaho pagdating ng araw. Siyempre, hindi magkakaroon ng katuparan iyon kapag puro line of seven ang iyong grado. Baka hindi mo alam na ang mga aplikante na may impressive resume ang laging tinitingnan ng mga employer. Sa pamamagitan noon kasi ay may ideya na sila kung pano magtatrabaho sa kanilang kumpanya ang matalino. Siyempre, hindi na kailangan pang laging tingnan ang kanilang ginagawa. Tiyak kasi ng mga employer na madali lang sa kanilang mag-pick up kung ano ang gusto nilang ipagawa.

 Kaya,makipag-break ka na lang muna diyan sa boyfriend mo dahil sigurado akong pareho lang naman kayong nagsasayang ng oras, eh. Sa takdang panahon, kung pareho na kayong handa. Saka na lang ninyo ipagpatuloy ang inyong relasyon. Kung hindi man kayo magkaroon ng foever, marami ka pang makikilala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here